“SA totoo lang po Aling Mila, medyo naguguluhan ako sa inyo. Bakit po ninyo ginagawa ang ganito? Hindi ba si Karen ang anak ninyo?” Sa huli ay pinili na rin ni Monica na tuwirang itanong ang tungkol doon kay Mila. Dahil medyo naguguluhan na rin talaga siya. Although naniniwala naman siyang pure ang intension nito, hindi pa rin talaga niya mapigilan ang sarili niyang magduda. Na baka pinagpaplanuhan nila ang lahat ng ito. “Huwag mo sananag iisipin na hindi pure ang intensyon ko sa iyo, hija. Sa maniwala ka man o hindi, pareho kayong mahalaga sa akin ni Karen,” sagot sa kanya ng ginang. Sa sinabing iyon ni Aling Mila ay mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Monica. “Monica, may gusto lang akong itanong sa iyo,” ani Mila nang manatili siyang tahimik. Nagtatanong ang mga matang tumiti

