“SINO iyong kausap mo?” iyon ang naitanong ni Monica sa kanya nang makabalik siya sa loob at daluhan niya ito sa pagkakahiga sa ibabaw ng kanilang kama. Sandaling pinakatitigan muna ni Jake ang mukha ng kanyang kabiyak bago nagbuntong hininga. Ang totoo ay iniisip pa niya kung aaminin ba niya kay Monica ang tungkol sa biglaan at hindi inaasahang tawag na iyon mula kay Karen. Ang babaeng natatandaan niyang pinagselosan na rin minsan ng kanyang asawa. Pero sa huli, mas mainam nalang siguro kung mananatili siyang hindi naglilihim dito. Ayaw niyang magkaroon silang dalawa ng asawa niya ng hindi pagkakaunawaan dahil kay Karen pagdating ng panahon. “Si Karen,” ang maikli niyang sagot. Kinakabahan siya sa totoo lang. Pero minabuti niyang huwag iyong ipahalata rito at kahit papaano ay nagtagum

