MULING naglapat ang kanilang mga labi para sa isang maalab na halik. Kasabay iyon ng patuloy na ginagawang pagmamasahe ni Jake sa magkabila niyang dibdib. Habang hindi rin naman namahinga ang mga daliri nito sa pagbibigay ng nanunuksong kalabit sa dulo ng mga iyon. “God, mmmmnnnn---,” halinghing ni Monica nang bumaba ang mga halik ni Jake sa kanyang leeg. Mainit ang labi ni Jake at nararamdaman niya ang nakakapasong paghaplos ng nakakapaso nitong dila sa balat ng kanyang leeg. Awtomatikong napapikit doon si Monica kasabay ang pagkawala ng isa na namang pinong ungol. Nasa ganoong ayos siya nang maingat siyang itulak ni Jake sa sandalan ng sofa. Habang siya naman ay masuyong isinuklay ang mga daliri ng isa niyang kamay sa likurang buhok ng binata. Wala sa sarili rin niyang inihaplos ang

