MADALING nagsalubong ang mga kilay ni Monica nang makuha niya kung ano ang ibig sabihin ng tanong na iyon ng kaniyang asawa. Pero dahil nga hindi niya gusto ng usapan ay minabuti niyang magpasensya nalang. “Bakit? Ano ba sa tingin mo ang dahilan?” tanong niya sa tono na mahinahon. Noon padabog na ibinaba ni Jake sa counter ang baso ng alak na wala nang laman. Gumawa iyon doon ng ingay na kanyang ikinagulat kaya siya napakislot. Kasunod noon ay ang pagdamba ng kaba sa kanyang dibdib. At lalo pang nagtumindi iyon nang mula sa pagkakaupo nito sa bar stool ay tumayo ito saka sinimulang humakbang palapit sa kanya. “Hindi mo alam kung anong ginagawa mo sa akin, Monica,” anito sa kanya. Kahit malakas ang tahip ng kanyang dibdib nang mga sandaling iyon ay nilabanan ni Monica ang pagnanais niya

