KASABAY ng malakas na tahip sa kanyang dibdib ay minabuti ni Mila ang magbuntong hininga. Para naman kahit paano ay magluwag iyon, kahit bahagya lang. “Ma!” ang masiglang bati at salubong sa kanya ni Karen nang matanawan siya nito paglabas niya ng airport. Agad na ibinuka ni Mila ang kanyang mga bisig saka mahigpit na niyakap ang dalaga nang makalapit ito sa kanya. “Na-miss kita, hija,” aniyang hinalikan pa ang magkabila nitong pisngi pagkatapos. “Ako din,” ang masayang sagot ni Karen saka kumapit sa kanyang baywang. “Paano, halika na?” tanong niya sa dalaga. Tumango si Karen saka siya iginiya sa naghihintay na taxi. Habang naglalakad palapit sa naghihintay na sasakyan, nasa puso ni Mila ang pag-asam na sana, makita niya ang anak niyang si Monica. Sa totoo lang ay gusto niyang punta

