“KAREN anak, kausapin mo naman ako,” si Mila iyon. Umaga at kasalukuyang naghahanda ang anak niya sa pagpasok nito sa trabaho nang mapagpasiyahan niya itong kausapin. Sinulyapan lang siya ni Karen at pagkatapos ay nagpatuloy ito sa ginagawang pag-aayos ng sarili sa harapan ng salamin. “Ma, siguro mas maganda kung hindi nalang ninyo ipipilit sa ngayon ang gusto ninyong mangyari,” ang malamig nitong tugon sa kanya. Nasaktan si Mila sa sinabing iyon ng anak niya. Pero kahit gaano pa iyon kasakit, alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya dapat dibdibin iyon. Aware siya sa katotohanan kung gaano kamahal ni Karen si Jake. At sa nangyayari ngayon ay alam niyang hindi magiging madali para sa anak niya ang kalimutan ang kaniyang ginawa. “Ginawa ko lang ang tama, Karen,” ang mahinahon niyang

