“KUNG gano’n, okay lang din sa’yo kung ikaw ang gawin kong agahan?”
Nagulat at napanganga si Jianna sa tanong na iyon ni Luther. Kahit kanina pa nila iyon pinag-uusapan at isiniksik sa kaniyang isipan, nahirapan pa rin siyang tanggapin sa sistema na nagawa na niya ang isang bagay na hindi akalaing magagawa niya.
Ang makipaglandian.
“Kristina?” untag nito sa kaniya bago bumaba ang tingin nito sa mga labi niya.
“S-sanay na sanay ka talagang makipaglaro sa mga babae, ‘no?” naiilang na sabi ng dalaga dahil sa mukha nito na halos isang dangkal na lang ang layo sa mukha niya. “P-parang ayaw ko na maniwala tuloy na hindi ka babaero.”
“Laro? Hindi ako nakikipaglaro, Kristina. Gusto lang kitang…makilala pa.”
Tumaas ang isang kilay niya. “At sa kama pa talaga?”
Nakipaglandian ka sa umpisa pa lang. Ano ba ang dapat mong i-expect, Jianna?
Natawa si Luther. “Okay ganito na lang. Para naman hindi mo sabihin na masiyado akong mabilis, kumain muna tayo. Ipagluluto muna kita ng tulingan para matikman mo kung gaano kasarap ang bagong huli na isda.”
“I-ipagluluto mo ako?”
“Bakit? Huwag mo sabihing hindi mo pa naranasang ipagluto?”
Ng kasingguwapo mo? Hindi pa nga!
“Mas mabuti nga siguro kung ipagluto mo muna ako. Hindi pa pala ako kumakain,” sa halip ay sagot ni Jianna, sabay hawak sa tiyan.
“Okay. Hintayin mo lang ako dito. Mabilis lang akong magluto.” Lumayo ito sa kaniya at saka tumayo kaya nakahinga na rin siya nang maluwag sa wakas. “Puwede mong pag-isipan ang sinabi ko kanina habang naghihintay,” pahabol pa ni Luther bago siya nito kinindatan at tuluyang nagpaalam.
Nang maiwan sa sala si Jianna ay lalo lang lumakas ang tahip ng kaniyang dibdib. Sa bawat kaluskos na naririnig niya mula sa kusina ay patindi nang patindi ang kaniyang kaba.
Tama ba talaga ang ginagawa niyang iyon?
“SAAN ka nakarating? Bakit hindi kita makita kanina?” usisa ni Margarita kay Jianna nang makabalik siya sa cottage nila.
Hindi niya kinaya ang kabang naramdaman niya kanina habang naghihintay kay Luther kaya tahimik siyang umalis.
Hindi niya kayang isuko ang sarili sa isang estranghero para lang sa kalayaan na gusto niyang maranasan mula sa kaniyang ama.
“Hoy!” Kung hindi pa siya siniko ni Margarita ay hindi mahihimasmasan si Jianna. “Ano ba ang nangyari sa’yo at kanina ka pa tulala? Don’t tell me na nakakita ka ng aswang?”
Guwapong aswang! Pero hindi naman niya iyon masabi kay Margarita at baka tuksuhin siya.
Ang mas masama, baka madulas pa siya at masabi niya sa kaibigan ang mga pinagagawa niya kanina. Nakakahiya! Maski nga si Jianna ay hiyang-hiya sa kaniyang sarili sa mga oras na iyon.
Umiling siya. “Wala. Muntikan lang akong maligaw kaya hindi agad ako nakabalik dito,” pagsisinungaling niya.
“Aw. Sorry. Nakalimutan kong sabihin sa’yo na may mga tour guide nga pala dito kahit maliit lang ang islang ‘to. Don’t worry. May nabanggit sa’kin si Ryle kanina. May kaibigan daw siya na nagsa-sideline sa pagto-tour guide.”
“Ryle?” kinunutan niya ito ng noo.
“Iyong guwapong lalaki na kasama ko kanina? ‘Ryle’ ang pangalan niya. Tour guide siya dito sa resort,” kinikilig na pagkukuwento ni Margarita. “At… boyfriend ko na siya.”
Normal na sa kaniya ang pagkakaroon nito ng nobyo sa loob ng ilang oras lang kaya hindi na siya nagulat.
“Ikaw talaga… kapag na-aswang ka dito?” Napailing na lang si Jianna sa pagiging playgirl ng kaibigan. “Baka hindi ka na makauwi ng Cebu.”
“Okay lang. Kung kasingguwapo naman ni Ryle ang aaswang sa’kin,” anito na sinundan pa ng impit na tili.
“Bahala ka nga,” sagot naman niya bago tuluyang pumasok sa cottage nila para maligo ulit at magpalit. Hindi siya sanay sa hanging-dagat kaya nanlalagkit siya.
“Sama ka sa’kin mamayang gabi. Ipapakilala kita kay Ryle. At para makilala mo na rin ‘yong kaibigan niyang tour guide,” pahabol ni Margarita habang papasok siya ng banyo.
“Sure.”
Alam niyang nakapangako na siya kay Luther na ito ang gagawin niyang tour guide habang nasa isla siya. Pero sa tingin ni Jianna, hindi na niya kakayanin pang humarap uli sa lalaki. Pagkatapos ng inasal niya kanina, nahihiya na siyang magkrus muli ang kanilang mga landas.
KAGAYA ng sinabi ni Margarita ay isinama siya nito kinagabihan para makipagkita kay Ryle. Sa isang maliit na bar sila pumunta. Nakilala nga ito ni Jianna at sa tingin naman niya ay mukhang matino naman kaya iniwanan niya ang kaibigan, at lumabas.
Bukod sa hindi siya sanay sa bar na may sumasayaw-sayaw na mga babae sa stage, nainip din siya. Hindi naman kasi dumating ang kaibigang tour guide ni Ryle na sinasabi ni Margarita.
Nakasandal sa puno ng niyog si Jianna habang yakap niya ang sarili dahil sa malamig na hanging humahampas sa kaniyang mga balikat. Nagsisisi tuloy siya kung bakit off-shoulder mini dress pa ang isinuot niya. Malay ba niya na malamig pala ang panahon sa isla kapag gabi.
Mabuti na lang at may bitbit siyang vodka. Hindi pa naman siya nakakaubos ng isang bote at hindi rin mataas ang alcohol content ng pinili niya kaya hindi pa siya lasing. Medyo tipsy lang.
Kapagkuwan ay napasinghap si Jianna nang bigla na lang may kumuha sa hawak niyang bote. Mabilis siyang napatingin sa gumawa niyon nang literal na napigil niya ang kaniyang hininga nang makita kung sino ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan.
It was Luther.
Parang timang na awtomatikong bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang magtama ang kanilang mga mata.
“Alam mo ba na ayaw ko sa babaeng umiinom?” nakasimangot nitong sita kay Jianna at saka itinapon sa basurahan ang bote ng vodka. “Tapos nandito ka pa sa labas at ganiyan ang suot mo. Mababait ang tao dito sa Isla Aurora. Pero hindi mo masabi ang pag-iisip ng isang tao kapag lasing.”
Nakangangang napatitig siya kay Luther. Bukod sa kaniyang ama ay wala pa ni isang lalaki ang naglakas ng loob na sermunan nang ganoon si Jianna. Pero imbes na mainis ay lihim pa niya iyong ikinatuwa na hindi niya maintindihan kung bakit.
Nang mabawi ni Jianna ang sariling boses ay saka lang siya nakasagot. “Nainip kasi ako sa loob. Busy sa boyfriend niya ang kaibigan ko. Hindi naman sumipot ang tour guide na sinasabi niya kaya lumabas na lang ako. Hindi naman ako naglalasing. Gusto ko lang mainitan kasi ang lamig pala dito sa lugar n’yo kapag gabi,” maski ang pagpapaliwanag sa lalaking hindi naman niya kaano-ano ay ikinagulat din ng dalaga.
“Umuwi ka na lang sana sa cottage n’yo,” giit pa nito. “O kaya, pinuntahan mo ako sa bahay. Gusto mo lang palang mainitan. Mas mainit pa sa vodka ang kama ko.”
Nabigla na naman si Jianna sa pagiging prangka ng binata pero kinalma niya ang sarili. “Tour guide ang hanap ko at hindi lalaking magaling sa kama.”
Desidido na siyang iwasan si Luther at bawiin ang inasal niya kanina kaya tinalikuran na niya ito. Pero bigla siyang nabuwal. Mabuti na lang at maagap ang mga braso nito sa pagsalo sa kaniya.
“Sinabi ko naman sa’yo na magaling din akong mag-tour guide. Naghanap ka pa kasi ng iba, nandito naman ako,” bulong nito sa tonong naghihinampo. “Alam mo ba na may gusto ring kumuha sa’kin kanina. Kaibigan ko pa ‘yong nagsabi sa’kin pero tinanggihan ko kasi nakapangako na ako sa’yo, eh.”
Napatitig siya rito.
Gusto niyang lumayo pero hindi niya magawa dahil para siyang nahipnotismo ng mga titig ni Luther. Pati ang mga tuhod niya ay apektado dahil sa unti-unting panlalambot ng mga iyon. Hindi niya iyon naramdaman sa vodka na iniinom niya kanina. Ibig sabihin, mas malakas ang tama nito!
“P-puwede mo na ba akong bitiwan?” aniya nang hindi na niya makayanan ang tila kuryenteng dumadaloy sa kaniyang kaugatan.
“Hindi mo pa kaya. Baka matumba ka,” giit nito habang nakatitig pa rin sa kaniya.
“ I’m fine. Hindi ako lasing,” giit din ng dalaga na medyo naiinis na kunwari.
Saka lang tinanggal ni Luther ang mga braso nito na halos nakayakap na sa kaniya. Pero muling nabuwal si Jianna kaya agad na humawak sa kaniyang beywang ang kamay nito.
“Sabi ko naman sa’yo na hindi mo pa kaya, eh,” sermon uli nito.
Sigurado si Jianna na hindi siya lasing kaya alam niyang hindi iyon epekto ng vodka na ininom niya kanina.
Damn!
Bakit ba ganoon na lang ang epekto sa kaniya ng lalaking ito? Nabubuhay ang pagnanasa sa kaniyang sistema na hindi pa niya naranasan sa simpleng pagkakadikit lamang ng kanilang mga balat.
Para siyang nanghihinang napasandal sa malapad at matigas na dibdib ni Luther. Narinig niya ang malakas na pagkabog niyon na halos kasing lakas din ng t***k ng puso niya sa mga sandaling iyon. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Habang tumatagal ay tila naging musika na sa kaniyang pandinig ang pag-uunahan ng mga t***k na iyon.
Mabilis na dumilat si Jianna nang maramdaman niya ang mga labi ng binata na dumikit sa likod ng tainga niya. “Ihatid na kita sa cottage mo.”
“Mas gusto ko sa bahay mo.”
Maski si Jianna ay nagulat din sa sinabi niya. Ngunit huli na para bawiin dahil narinig na iyon ni Luther.
Malakas itong napasinghap. “Lasing ka. At hindi ako pumapatol sa babaeng nakainom.”
Muling nanumbalik kay Jianna ang pagrerebelde sa kaniyang ama kaya lalong nabuhay ang pagnanasa niya kay Luther.
Dahan-dahan siyang lumayo at saka humarap dito. “I’m not drunk, and I can prove it,” depensa niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kuwelyo ng polo nito at saka hinila palapit sa kaniya. “Gusto mo akong gawing agahan kanina pero umalis lang ako. But tonight, ikaw naman ang gusto kong gawing dinner. Late dinner.”
Sandaling napatitig lang ito sa kaniya. Pero hindi niya magawang basahin ang emosyong naglalaro sa mga mata ng binata.
“Don’t tell me na umuurong ka na? Akala ko ba wala kang inuurungan?” panghahamon niya rito. “O baka naman natatakot kang malaman ko na hindi ka naman talaga magaling kumagat?”
Ngumiti si Luther at saka sinalubong ang titig niya. “Seryoso ka ba talaga?”
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“Huwag mo sabihing hindi kita pinigilan,” mabilis pang sabi ng binata habang matiim ang titig kay Jianna. “Dahil hinding-hindi mo na ako mapipigilan pa kapag nagsimula na ako, Kristina.”
Muli siyang tumingin dito. Kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito. Natukso siyang magbaba ng tingin kaya kitang-kita niya nang buksan ni Luther ang zipper ng pantalon na suot nito.
Kinabahan si Jianna. Mabuti na lang at hindi naman pala nito inilabas ang nakatago nitong alaga. Niluwangan lang siguro para makahinga dahil nakita niyang nakabukol na iyon. Parang may kung anong bumubulong sa kaniya na dakmain iyon ngunit nagpipigil lang siya. Kahit ang totoo ay para na siyang maiihi sa matinding kiliti na nararamdaman niya sa kaniyang kaibuturan.
Kitang-kita rin niya ang pagtaas-baba ng Adam’s apple nito nang mahuli si Jianna na nakatitig sa harapan nito. “Gising na ‘to, Kristina. Kaya wala ng bawian…”
Kagat-labi na umiling siya. Hindi niya akalaing may kakayahan siyang makaramdam ng ganoong pagnanasa kahit wala pa naman siyang karanasan.
“Sh*t,” malutong na sabi ni Luther bago siya nito hinila papunta sa madilim na bahagi ng lugar.
Napasinghap si Jianna nang maramdaman niya na isinandal siya nito sa isa pang puno ng niyog. Mabilis nitong itinaas ang laylayan ng maiksing dress niya. Lalong lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Pero nandoon na siya. Katulad ni Luther ay hindi na rin niya kayang pigilan pa ang sarili.
“Hindi na ako aabot sa bahay, Kristina,” pagkasabi niyon ay walang ano-ano na ipinasok ni Luther ang kamay nito sa loob ng underw*ar niya.