Chapter 1: Elevator with Him
"Anak, gising na. Nagluto ako ng paborito mong ulam na longanissa, sunny side up na itlog at ang paborito mong sinangag na maraming garlic flakes!" masayang sabi ni Tatay sa akin habang kinakatok nito ang pinto ng kuwarto ko.
"Anak! Kia! Bangon na baka mahuli ka pa sa final interview mo," pang-uulit pa ni Tatay.
"Opo, babangon na," nag-iinat na sabi ko habang nakahiga pa sa aking kama. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kuwarto ko. Seven thirty na ng umaga at nine o'clock ang final interview ko sa Travel Dream Agency.
Last month lang ako grumadweyt ng Tourism at na-apply na kaagad ako ng trabaho. Nakapasa naman ako sa initial interview sa online ngunit kailangan ko pa rin na dumaan sa final interview ng magiging boss ko.
Mabilis na akong bumangon sa higaan ko at saka lumabas ng aking kuwarto. Nakita ko si Tatay sa kusina na inaayos ang maliit na cake sa gitna ng bilog naming kusina.
Kumunot ang aking noo habang lumalapit sa aking Tatay.
"Tay, birthday po ba ninyo? nagtatakang tanong ko sa kanya. Kahit na alam kong hindi naman nito birthday.
Masiyahing tao at proud na proud sa akin ang aking Tatay. Ten years old pa lamang ako noong namatay ang Nanay ko dahil sa hypertension at hindi na muling nag-asawa pa ang aking Tatay. Itinuring niya akong prinsesa at hanggang ngayon na graduate na ako ng college. Nangako ako sa aking sarili na ako naman ang magbibigay dito ng magandang buhay. Iyon ang ultimate goal ko kaya gusto kong makapasa sa final interview ko mamaya sa Travel Dream Agency.
"Birthday ko? Sa December pa ang birthday ko anak. Ang cake na ito ay para sa iyo, Kia. Tignan mo." Hinawakan ni Tatay ang magkabilang braso ko at saka ako iniharap sa cake. "Basahin mo anak."
"Congratulations mahal kong Kia. P'wede ka ng mag-boyfriend," mahinang pagbikas ko. Naiiyak na niyakap ko si Tatay. "Salamat, 'tay. Nag-abala pa po kayo. Saan ninyo kinuha ang pera na pambili ng cake?" umiiyak na tanong ko rito.
"Ano bang akala mo sa akin anak... wala na akong pera? Kia, mayaman 'tong bulsa ko," natutuwang sabi sa akin ni Tatay na hinaplos ang aking buhok. "Proud na proud ako sa iyo, anak. Nagbunga ang pawis at pagod ko sa pamamasada ng tricycle dahil tinupad mo ang pangako mo na hindi ka magbo-boyfriend at magtatapos ka muna ng pag-aaral. Kaya ngayon p'wede ka ng mag-boyfriend basta ipangako mo lang sa akin na ipapakilala mo muna sa akin at kikilatisin kong mabuti bago mo sagutin."
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa aking Tatay. "Hindi ko pa po iyan iniisip, 'Tay. Alam ninyo ang gusto ko ngayon yumaman para maibili ko kayo ng kotse na pampasada."
"Maganda nga iyan, anak. Sige pag-aaralan ko na kung paano mag-drive ng kotse," natatawang sabi pa ni Tatay sa akin. "Tama na ang iyak, kumain ka na at ihahatid na kita."
Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. Hinipan ko ang cake at saka nagsimulang kumain ng agahan. Inilagay naman ni Tatay ang cake sa refrigerator para may merienda sila mamayang hapon.
"Anak, sigurado ka ba na hindi ka na natatakot sa pagsakay ng elevator?" tanong sa akin ni Tatay habang kumakain ako. May claustrophobic kasi ako at hanggang ngayon sinusumpong pa rin ako ng phobia ko.
"Ang sabi sa akin ng nakausap kong staff 'tay sa first floor lang ang venue ng first interview ko. At ang mismong owner na ng Travel Dream Agency ang magi-interview sa akin."
"Mabuti naman pala, ako ang kinakabahan sa interview mo anak, e. Nag-aalala ako baka umiyak ka kapag sumakay ka na ng elevator. Baka kailangan mo ng kasama at sasamahan na kita."
"Tatay, hindi na po ako iiyak basta may kasama ako na sumakay ng elevator. Lalabanan ko ang phobia ko 'tay para maibili kita ng kotse."
"Susuportahan kita, anak. Fighting, lang tayo!" Itinaas nito ang kamay at ikinuyom iyon. "Fighting Kia!"
Napailing na lang ako kay Tatay.
Naligo na ako at nagbihis ng formal office attire. Pink na sleeves at black na slacks ang isinuot ko. Nag-make up ako ng light at saka naglagay ng red matte lipstick sa aking mga labi. Nakalugay ang straight kong buhok na hanggang balikat ko ang haba.
Isinuot ko ang sandals kong flat at muling tinignan ang aking sarili sa salamin. Bumuga ako nang malalim bago lumabas ng aking kuwarto. Kinuha ko ang sling bag ko na itim at saka ang folder na naglalaman ng mga requirements ko sa pag-a-apply.
"Ang ganda naman talaga ng anak ko," puri sa akin ni Tatay pagkalabas ko ng aming bahay.
"Syempre po mana po ako kay Nanay."
"Kung nasaan man ngayon si Geneva tiyak ako na matutuwa iyon kapag nakita ka na ganyan na office na office girl ang dating. Sumakay ka na sa tricycle at isasara ko lang itong bahay."
Sinunod ko ang utos ni Tatay. Inihatid niya ako sa Dolores Avenue sa Dagupan kung saan ang main office ng Travel Dream Agency.
Bago ako pumasok sa building ay nagtanong muna ako sa security guard na nasa labas.
"Good morning Kuya Guard. Saan po banda ang office ng Travel Dream Agency dito sa building na ito?" magalang na tanong ni Kia dito.
"Aplikante ka ba, miss?"
Tumango ako nang marahan dito. "Opo, Kuya."
"Sa thirteenth floor ang office ng Travel Dream Agency, miss."
Nabigla ako sa sinabi ng guard. "Kuya, ang akala ko po sa first floor lang?"
"Sa first floor iyong office ng mga staff ng Travel Dream Agency ngunit iyong office ni Sir Wyatt nasa thirteenth floor pa, miss."
Namutla ako sa sinabi ni Kuya Guard sa akin. Tumango na lang ako rito at saka pumasok sa loob ng commercial building.
Tumingin ako sa wrist watch ko at nine o'clock na may thirty minutes na lang ako. Ilang beses akong nagbuga ng hangin bago magdesisyon na sumakay sa elevator. Hindi naman siguro ako mag-isa.
Nagsimula ang phobia ko sa elevator noong bata pa ako dahil na-stock ako noon sa loob ng tatlong oras. Simula noon natakot na akong sumakay ng elevator kapag wala akong kasama.
Mabilis ang t***k ng aking puso habang patungo ako sa elevator. Marami naman akong kasama kaya nakahinga ako ng maluwag. Ngunit pagdating namin ng second floor ay dadalawa na lamang kami ng isang lalaki na nakasuot ng tattered pants na denim blue, black leather shoes at white na t-shirt. Nakatalikod ito sa akin habang nakahakukipkip pa.
Matangkad din ito na nasa six feet at ang buhok ng lalaki nakapusod. Sinilip ko ang side view ng lalaki at may balbas pa ito at bigote. Napansin ko rin na may mga tattoos ito sa magkabilang braso.
Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang masamang tao pa yata ang kasama ko. Hanggang balikat lang ako ng lalaki at matipuno din ang pangangatawan nito.
Biglang huminto ang elevator at napakapit ako sa handle na nasa gilid ko.
"Ba-Bakit huminto? Dito na ba tayo mamatay? katapusan na ba ng mundo? Jusko, ayoko pang mamatay," kinakabahang sabi ko habang nanginginig ang aking mga binti at kamay.
"Miss, baka may problema lang ang eleva---"
Biglang nanginig ang loob ng elevator at nag-shut down pa ang ilaw.
Mabilis na niyakap ng mahigpit ni Kia ang lalaki nasa kanyang harapan. "Hindi pa ako ready, G. Hindi ko pa nakikilala ang first boyfriend ko, hindi ko pa naranasan ang first kiss at first date, G. Please... marami pa po akong pangarap!" malakas na sabi ko habang yakap-yakap ko ang likod ng lalaki sa harapan ko.
"Miss, kumalma ka nga. Nag-stop lang ang elevator at maayos din ito. Hindi pa katapusan ng mundo, miss. Bitawan mo nga ako baka mamaya nagkukunwari ka lang na natatakot pero may modus ka pala." Pilit na tinatanggal ng lalaki ang kamay kong nakayakap sa bewang nito.
"Hindi ako makahinga... tulungan mo ako... ayoko pang mamatay" Unti-unti kong kinakalas ang kamay ko sa bewang ng lalaki. Pakiramdam ko matutumba na ako mabuti na lamang at mabilis niya akong nasalo.
Binuhat niya ako at naramdaman ko na sumandal ito sa gilid ng elevator.
"Miss, okay ka lang ba?" Nahimigan ko ang boses ng lalaki na tinapik ang pisngi ko.
Tuluyang nagdilim ang paningin ko at hindi na ako nakasagot sa tanong sa akin ng lalaking nagligtas ng buhay ko.