PUMAYAG NAMAN AGAD si Usting ng marinig ang pangalan ni Cheskaa. Matagal niya na itong hinahangaan. Subalit ang bunsong anak ng Lolo Lito niya ang gusto ng dalaga at hindi siya. Paraan na iyon para magpakitang gilas siya sa rito. Napakaarte man nito at maldita alam ni Usting na may mabuting kalooban ang dalaga. Ilang ulit niya itong nakikitang tumutulong sa mga medical mission sa bayan sa tuwing nagbabakasyon ito sa Tayasan. Bagay na hindi alam ni Tonyang at Ayesha. Minsan na silang nagkasama ni Cheska na mag-volunteer sa medical mission na sponsor ng Schumer Medical na pinamumunuan ng kanyang ama.
“Pumanik ka na sa kusina Tonyang. Susunod kami,” ani Usting.
“Talaga? Tutulongan ninyo na ako maghanda ng pagkain na dadalhin sa picnic?”
“Oo na. Ang kulit mo!”
“Mahal ninyo talaga ko,” ani Tonyang.
“Wala naman kaming choice,” pang-aasar ni Andong sa kapatid.
“Kunwari ka pa, Andong. Kapag may nag-aaway naman sa akin kahit babae pinapatulan mo.”
“Eh, kasi. Lagot kami kay Papa kapag umuwi ka na may galos. Di bale na kami ang masaktan ‘wag lang ikaw. Kami ang paparusahan ni Papa. Ayoko ngang bawasan ni Mama ang allowance ko ng dahil sa’yo,” sagot ni Andong kay Tonyang.
“Thanks brothers!” ani Tonyang tapos tumalikod na.
“Hoy Tonyang! Palitan mo nga ‘yang suot mo,”pagalit na turan ni Usting.
“Bakit ano’ng mali sa suot ko?”
“Ang iksi ng korto mo. Kita na lahat. Magpalit ka o hindi ka naman ipagluluto,” ani Usting.
“Para ngayon lang,” mahinang usal ni Tonyang.
“Para ngayon lang? Bakit? Dahil ba kay Logan?”
HINDI SINAGOT NI Tonyang ang kapatid. Hindi niya naman kusang sinuot iyong shorts. Pinasuot ni Ayesha iyong korto sa kaniya dahil bagay raw sa bota iyong maiksing maong na shorts na pinartneran niya ng checkered na long-sleeves. Sinunod niya lang naman ang dalawang kaibigan. Ganoon rin ang suot ng mga itong shorts mag-twinnings raw silang tatlo. Ruffled blouse ang sinuot na damit na pantaas ni Ayesha na kita ang tiyan. Sleeveless naman iyong kay Cheska na katamtaman ang haba sa katawan nito.
Matagal ng plinano ng tatlo ang mag-picnic sa tabing-ilog simula pa noong nasa New York pa si Ayesha. Sila lang dapat tatlo ngunit mas masaya kung marami sila. Isa pa, nangako si Tonyang sa Papa niya na ipapasyal si Logan sa hacienda at rancho nila ng araw na iyon.
“Basta sumama kayo, huh?” pag-iiba ni Tonyang ng usapan.
“’Wag mong iligaw ang usapan, Tonyang. Magbihis ka na.Iyong riding jeans ang isuot mo. ‘Wag ‘yang kita na ang biyas mo,” pagalit na utos ni Usting.
Gustong-gusto nitong nakakita ng mga binti ng mga kadalagahan subalit ayaw na ayaw ni Alfonso na makitang nakahantad ang biyas ng kakambal. Kabaliktaran naman ni Alejandro na walang pakialam sa ayos ng kapatid. Mas gusto nitong magdamit panbabae ang kakambal kaysa sa nakasanayang kasuotan nito.
“Masusunod po. Mahal na amang haring Usting,” pang-iinis ni Tonyang rito.
“Antoinette Thalia! I am not playing around with you. Panganay pa rin ako. Kaya sundin mo ang utos ko.”
“Masusunod po. Heto na oh,papasok na sa kuwarto ko. Magpapalit na po, Tatay Usting.”
Nang-aasar man ang sagot ni Tonyang. Sinunod niya pa rin ang utos nito. Sa dalawang kakambal niya si Alfonso ang pinakamalapit sa kaniya simula bata pa sila. To the rescue ito parati sa kapalpakan man o sa kalokohan. Parati siya nitong pinagtatangol at piniprotektahan.
“Palitan mo ‘yang suot mo bago ka pa ma-grounded ni Papa,” dagdag naman ni Andong.
“Grounded? Nagpapatawa ka ba, Andong? Eh, baka matuwa pa ‘yon,” sagot ni Tonyang rito.
“Bakit ba iyan ang suot mo?” tanong muli ni Andong.
“Kailan ka pa naging concern sa kasuotan ko?”
“Nagpapansin ka ba kay Kuya Logan?”
Ano nga ba? Nagpapansin nga ba siya? Tama siguro si Andong. She’s trying to get Logan’s attention and it’s not so her! Hindi niya gawaing magpapansin sa mga lalaki hindi tulad ni Ayesha. Hinalungkat ni Tonyang iyong pinakabagay na skinny jeans niya. Iyong babagay sa kaniyang bota. Kailangan iyong bakat ang hugis ng kaniyang binti at kaniyang pang-upo. Iyong mapapanganga si Logan kapag nakita siya. Suot niya ang tipikal na outfit ng isang haciendera denim jeans, long sleeves polo shirt, comboy hat, and riding boots.
Habang nakikipagbangayan si Tonyang, naghihintay naman sina Ayesha at Cheska sa tapat ng mansion. Malapit iyon sa water fountain. Nag-aayos pa si Tonyang ng kaniyang buhok. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangan maayos ito. Datirati naman suklay lamang at sombrero. Ni hindi niya naisipang suotin ang paborito niyang baseball hat na may logo ng Raiders. Favorite football team niya iyon. Bigay iyon ng Lolo Noah ni Tonyang sa kaniya.
"Daraanan ko pa si Macoy," turan ni Tonyang pagkalabas ng mansion.
“May pupuntahan ka pala. Bakit mo kami pinaghintay rito?” mataray na sagot ni Ayesha.
“Eh, naisipan kong daanan siya.”
Inismeran ni Ayesha ang kaibigan matapos tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Bakit ka nagpalit ng skinny jeans?” ani Ayesha.
“Nagalit ang mga kapatid ko. No choice, I needed to change.”
Kapansin-pansin ang kakaibang ayos ni Tonyang.Naka-terentas ang buhok nito taliwas sa magulo at parating nakasombrero. Napansin iyon ni Ayesha ngunit nagsawalang kibo na lamang. Aasarin niya sana ngunit binanggit nito si Macoy. Isa pa hindi naman ito nag-tatali ng longsleeves sa may balakang na kita ang tiyan. Subalit ngayong araw ay sadya nitong pinakita ang makurba nitong balakang at ang impis na tiyan.
Kadalasan balot na balot ito at hindi man lang magpakita ng balat maliban sa leeg at mukha. Ang perfect description para kay Tonyang ay boyish version ni ‘Maria Clara' koserbatibo ngunit ang ugali ay 'Gabriela Silang.'
SAMANTALA SA HACIENDA ng mga Palermo kung saan nagtatrabaho rin si Macoy. Abala ito na magpakain ng kaniyang mga alagang hayop. Nakatira si Macoy sa rancho ng mga Echeverria kaya ito nakapagpalagayan ng loob ni Tonyang. Siya ang taga asikaso ng mga kabayo dalawang beses isang linggo kapag wala ang katiwala sa rancho. Hindi matatawaran ang galing nito sa pangagabayo. Limang taon ang agwat nito sa kanilang tatlo. Kung ano - ano ang trabaho nito maliban sa pagtulong sa kaniyang ina.
Simula ng biglang naglaho ang ama nitong si Manolito Gambino. Naubos ang kayamanan ng ina nito kahahanap sa asawa. Sunod na naglaho ang kapatid nitong si Kenjie matapos sundan nito ang ama-amahan sa El Salvador.
"Nagpalit ka lang naman ng suot. Ba't natagalan ka?" tanong ni Ayesha.
Tonyang shrugged her shoulders, then gave Ayesha her death glare. Meaning 'don't ask me.'
“Mauna na kayo sa tabing-ilog," wika ni Tonyang habang sumasampa na sa kani-kanilang kabayo sina Ayesha at Cheska.” Si Unsing at Andong?"
"Kakaalis lang nila. Sila na ang nagdala ng picnic basket," ani Ayesha.
"Okay, kasama si West?"
"Nope. Sabi ni Andong isasabay mo raw sayong kabayo."
"Isasabay ko?”
Gulat na may halong kilig ang naramdaman ni Tonyang. Mas naconscious siya sa kaniyang itsura.
"Oo. Oh, how romantic. Right, Ayesha?" pang-aasar ni Cheska.
"Nyeta! Lumarga na nga kayo!" pasigaw at inis na sagot ni Tonyang. Nang-aalaska na naman si Ayesha.
"May araw ka rin Palermo," pabulong na anas ni Tonyang.