This the last chapter before the ending. Thank you for supporting Tadhana all the way. Next chapter will be Aol's POV. The most awaited! — NANGINGINIG ako sa lamig. Para bang wala akong saplot sa katawan kung kaya napakalamig ng aking pakiramdam. Nanunuot ang lamig sa bawat bahagi at buto ng aking katawan. Idinilat ko ang aking mata ngunit bumabagsak muli ang talukap. Hirap na hirap akong buksan ang mata ko na para bang matagal na nanatiling nakapikit iyon. Sinubukan kong itaas ang aking kamay pero nakaramdam lamang ako ng sakit kung kaya hindi ko na pinilit pa. Bagkus ay pinilit ang aking mata na bumukas. Ilang ulit at sa wakas ay nagawa ko rin. Nanlalabo ang aking paningin subalit pagkatapos ng ilang sandali, naging malinaw sa akin ang ceiling. Sinubukan kong igalaw ang aking ulo.