"Parang multo lang tulad mo, Kuya. Aba'y bakit bigla kang sumusulpot? At isa pa, bakit galing ka ng Germany? Diba't ang usapan natin ay daanan mo sina Mommy at Daddy sa Korea. Ano'ng nakain mo at ikaw lang ang dumating?" salubong na tanong ni Hans Ethan sa kapatid. "Tsk! Tsk! Ang harsh talaga ng taong ito. Imbes na welcome home brother ang isalubong ay interogasyon agad-agad." Tuloy ay pabirong ismid ni Jürgen Ethan. Kaso ang pabirong bangayan ng dalawa ay sinalungat ng bunsong si Hubert Ethan. "Hinahabol na naman ng kamalasan ang mga nasa Korea, ano? Kaya't ikaw ang pinauwi rito upang may makapagsabi sa amin. Tama ba ako, Kuya?" anito. Ngunit hindi agad nakasagot si Jürgen dahil pumasok at dumiretso nang pag-upo sa malambot na sofa. "Manang! Yolanda! Pakibuhat ang maleta ko sa garahe