"A-anong sabi mo? Patay na ang ina ni Papa?" hindi makapaniwalang tanong ni Jang. "Yes, Master Jang. Kaninang umaga pag-uwi namin ni Sir." Tumatango-tango pa ito patunay lamang na totoo ang sinasabi. Tuloy ay napaatras siya. Hindi niya akalaing patay na ang Ginang o ang kaniyang abuela. Masama ang loob niya rito pero hindi naman ibig sabihing gusto na niya itong mamatay. "Kung ganoon, Young ay kailangang samahan mo ako. Dadalawin ko siya sa huling sandali. Kahit man lang sa huling pagkakataon ay masilayan ko siya," aniya. "Huh! No, Master Jang. Kaya ako pinapunta ni Sir dito. Dahil alam niyang pupunta ka roon oras na malaman mong pumanaw na ang abuela mo. Indeed, you have a good heart, Master Jang. But please it's for your safety. Unawain mo ang nais ng iyong ama." Humarang ito sa da