"Congratulations, my dearest cousin. Aba'y huwag pahirapan ang asawa mo. Baka tuluyan ka niyang iwan at dalhin sa Pinas ang kambal ninyo," mapanuksong saad ni Jamaica sa kaniya. Kaya naman ay napasimangot siya. Kaya nga siya hindi lumabas upang magpatingin sa dati niyang OB dahil siguradong kakatayin siya ng kantiyaw. Kaso ang pinsan naman niya ang gumawa. "Oh, kasasabi ko lang na huwag mong pahirapan ang asawa mo ngunit nakasimangot ka na naman. Susme kang babae ka. Maawa ka naman sa asawa mong naging Yaya na rin ng mga anak ninyo," anitong muli. "Buntis ka at kung hindi ako nagkakamali ay malapit na iyang lalabas ngunit nakuha mo pa akong inisin. Aba'y puwede ka nang umuwi kung mang-aasar ka lamang," nakasimangot na wika ni Charlotte. Kaso ang kapwa niya buntis ay napahalakhak. "Ewa