"It's been a while since we came back from my brother's wedding. But you haven't change at all. Ano ba ang problema mo, my dearest?" tanong ni Charlotte sa asawang halatang hindi pa rin mapakali. Dalawang linggo na simula noong bumalik sila ng Korea mula sa bansang Pilipinas. Ganoon na rin katagal na parang lagi itong wala sa sarili. Kaya naman ay labis-labis siyang nabahala. Hindi pa naman nito ugali ang ganoon. Masayahing tao ang asawa niya. Madalas nga niya itong tinutukso ngunit itinatawa lamang din. Dahil kung ano ito simula noong nakilala niya ito ay ganoon pa rin hanggang sa kasalukuyan. "I'm sorry for making you worry, my dearest. Pero alam mo bang napag-isip-isip ko kung ano ang nais ipahiwatig ni Kim Doham sa palagian niyang pagpapakita sa aking panaginip?" patanong na sagot ni