"Po? Ano ang sinabi mo, Mommy? Wala na si grandma?" hindi makapaniwalang tanong ni Kim Doham sa ina. "Yes, Kim Doham, anak. She's gone this morning. So, how's your victory party last night?" balewalang tugon ng Ginang. "Mommy! Why you're so mean? Iyan pa ang itatanong mo? Leave me for a while, Mommy. I'll fix myself. I want to see Grandma for the last time." Pagtataboy ng binata sa ina. Ewan ba niya pero nang oras na iyon ay parang sinalakay siya ng konsensiya. Nagpakasaya siya sa victory party sa nakaraang gabi ngunit wala siyang kaalam-alam na pumanaw na pala ang abuela. Ang abuelang pumuno sa lahat ng pagkukulang ng ama. "Hijo, matanda na ang lola mo. Nararapat lang na magpahinga na siya kaysa naman naghihirap siya sa sari-sari niyang karamdaman. Ayaw mo ba iyon, wala nang hahadlang