"Sir, saan tayo pupunta? Akala ko ba ay pupuntahan natin sa hospital ang Mama mo?" tanong ng bodyguard/driver ng senador. "Hindi ako mapakali, Young. Maari bang bumalik muna tayo sa bahay ni Raso? Baka hindi ko naisara ang gate," tugon nito. "Sige, Sir. Wala pong problema." Muling minaniobra ng driver/bodyguard ang manibela upang makabalik sila sa pinanggalingan. But, the more they got near the said place, the more his nervousness grows. "Boss..." Pukaw ng nasa manibela dahil may ilang distansiya pa sila pero may naaaninag ng sasakyan sa bahay na pinanggalingan nila. Hindi lang iyon, may dalawang anino siyang naaaninag sa mismong harapan ng gate. "Quickly!" malakas sa utos ng senator. Dahil kahit siya ay naaaninag ang mga taong nasa harapan ng gate. Then... "Wait, Sir. Hindi ba't iy