CHAPTER EIGHT

2431 Words
"Diyos ko, akala ko ba'y ligtas na ako rito," piping sambit ni Jang saka mabilis na kumilos at nagtago sa malaking higaan. Ngunit kahit nagtago na siya ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng takot. "Jang anak, lumabas ka na riyan. Huwag kang matakot ang Tito Raso mo ito." Tinig mula sa labas ng kuwarto. Sa narinig ay nakahinga siya ng maluwag. Buong akala niya ay nasundan siya ng mga taong nanakit sa kanilang mag-ina. Kaya naman ay dahan-dahan siyang tumayo saka inayos ang sarili bago lumapit sa pintuan. "Hello po, Sir. Pasensiya na po kung hindi agad kita napagbuksan ng pinto. Dahil sa totoo lang po ay natatakot akong nasundan ako rito ng mga taong nanakit sa amin ni Nanay," agad niyang wika. "Walang masama sa nag-iingat, anak. Alam ko namang natatakot ka rin. Halika rito nang makakain ka na rin. Mukhang hindi kumain maghapon." Lihim na nagmasid si Officer Raso sa mag-ama. Walang duda, mag-ama nga ang mga ito. Kahit pa sabihing pamangkin niya ang binatilyo ay hindi maipagkakamaling Gaesamun ang nanalaytay dito. "Hindi po talaga, Sir. Dahil nakatulog po ako pagkatapos kong naligo nang umalis ka. Ah, mawalang-galang na po, Sir. Nasaan po si inay? Bakit hindi n'yo siya kasama?" tanong ni Jang. Dahil mag-isa itong naghatid sa kaniya ng umagang iyon at bumalik na may kasama subalit hindi niya kilala. "Maupo ka muna, anak. Kumain ka muna lalo at sabi mo ay talagang hindi pa nagkalaman ang tiyan mo simula nang dumating ka. At isa pa ay may ipapakilala ko sa iyo, ang kasama ko," tugon nito. Sa tinuran nito ay saka pa lamang niya napansing nakatitig sa kaniya ang lalaking kasama nito. Hindi lang niya nabigyang-pansin. Dahil ang taong kumupkop sa kaniya ang hinarap. Kaso nang napansin niya ito ay muli siyang natigilan dahil nakikita niya ang sarili tito. Ganoon pa man ayaw niyang maging bastos kaya't nagbigay-galang siya. 'Sino kaya ang taong ito? Mukhang kagalang-galang na tao,' tanong nga lang niya sa isipan. "Magandang gabi po, Sir. Ako po si Buyeo Jang." Pakilala niya sa sarili. Lihim pa rin siyang nagmamasid. Dahil kahit pa sabihing halatang mapagkatiwalaan ng taong pinagkatiwalaan sa kaniya ng ina ay mas maigi na rin ang nag-iingat. "Alam ko, kilala kita ana---Jang. Kumusta ka na?" Nakakahiya man na aminin ngunit nautal ang senator sa harapan ng mismong anak. "Po? Paano mo po ako kilala, Sir? Ngayon nga lang po tayo nagkita," ani Jang. Dahil sa pagtataka ay mas minabuti niyang bumaling sa lalaking anak ang tawag sa kanya. Wala siyang maunawaan sa nangyayari. Una, tinanggap at pinagkatiwalaan siya agad ng lalaking ipinahanap ng ina. Pangalawa, kilala raw siya ng nasa harapan samantalang unang beses pa lang niya ito nakita. Idagdag pa ang kaniyang ina na buong pag-aakala niya ay kasama ng mga ito galing sa Baekjung. Ngunit napalalim yata ang pag-iisip niya kaya't maaring iniisip nilang nagdududa siya. "Makinig ka, anak. Dahil napakaimportante ang sasabihin ko. Una, alam kong nagtataka ka kung bakit hindi namin kasama ang nanay mo samantalang nanggaling kami sa Baekjung. Siya ang mismong umayaw na sumama sa amin. Dahil aalis daw sila ng asawa niyang hindi mo nabanggit sa akin na nag-asawa pala siya. Ang sabi ni Geum ay ang makilala't makapiling mo ang tunay mong ama ay okay na para sa kaniya. Hindi niya sinabi kung saan sila pupunta ng asawa niya ngunit mahigpit ang bilin niyang alagaan ka namin. Pangalawa, tinatanong mo kung bakit ko kayo kilala ng nanay mo? Simple lang anak dahil ang nanay mo ay bunso kong kapatid. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ipagtapat sa kaniyang iisang dugo ang nanalaytay sa aming dalawa. Iisa ang aming ama kahit magkaiba sa ina. Pangatlo, ang taong kaharap mo ngayon ay walang iba kundi ang dahilan ng pagpunta mo rito sa siyudad. Siya si senator Gaesamun Aja, ang iyong ama." Mahaba-haba nitong paliwanag ni officer Raso saka pinaglipat-lipat ang paningin sa kaibigan at pamangkin. Kaso! Sa haba ng pahayag nito ay walang gustong sumiksik sa utak ni Jang. Maraming tanong ang nagsulputan sa kaniyang isip. Paano nagkaroon ng asawa ang ina niya? Silang dalawa lang ang magkasama sa buhay simula noong siya ay bata pa. Hindi na nga niya matandaan ang mukha ng abuelo niya. Idagdag pa ang sinabi nitong kapatid ito ang kaniyang ina. Kung ang taong kaharap niya ang kanyang ama, anak mayaman siya. Pero anong nangyari at hindi niya ito nakagisnan sa tabi ng ina? "Alam kong mahirap paniwalaan anak pero totoo ang narinig mo. Ako ang iyong ama. Isa kang Gaesamun. At ngayon pa lang anak ako ay taos-pusong humihingi ng kapatawaran dahil sa nagawa kong pagkakamali sa iyo at ng Nanay mo. Ang tanging hiling ko ay hayaan mo akong maging ama sa iyo, J-jang anak." Nakakalalaki man ngunit pumiyok ang senator. Wala talaga siyang maunawaan! Tama! Sabi ng kaniyang ina na ang nangangalang Raso ang magdadala sa kaniya sa ama. Pero hindi naman niya akalaing isa itong high ranking official. He is a senator of the country. "W-walang asawa si Nanay. Kaming dalawa lang ang namuhay simula pagkabata kaya't alam kong kailanman ay hindi siya nagkaroon ng asawa. Ayaw ko na rito sa siyudad. Dahil mas gusto kong kasama si Inay kahit laging panlalait ang naririnig ko mula sa mga tao. Sanay ako sa hirap kaya't hindi ako mahihirapang magtrabaho doon," aniyang hindi pinansin ang rebelasyon ng dalawang lalaki. "Huwag kang umalis, anak. Dahil oras na lumabas ka rito sa pamamahay ko ay sasalubungin ka ng pilegro. Alam kong mahirap paniwalaan pero pasasaan ba't matatanggap mo rin ang lahat. Tungkol sa Nanay mo ay kahit pa babalik ka sa Baekjung ay hindi mo na siya maaabutan. Sigurado akong nakaalis na sila ng ipinakilala niyang asawa. Tayong dalawa lang ang nandito sa Korea anak. Ang pamilya ko ay nasa Germany and besides your father is here." Pigil ni officer Raso sa binatilyo sa pagpasok sanang muli sa kuwarto. "Please, Jang anak. Hayaan mo akong makabawi sa pagkukulang ko sa iyo. Nag-usap kami ng Nanay mo bago kami bumalik dito kaya't ako na ang nakikiusap sa iyo na bigyan mo ako ng pagkakataong maging ama sa iyo." Basag na rin ang boses ng senador. Dahil talagang walang pumapasok sa utak ni Jang sa mga pinagsasabi ng dalawa ay napailing lamang siya. Umatras saka tuluyang pumasok sa kuwartong inukupa niya at doon ay ibinagsak ang katawan sa malambot na higaan. SAMANTALANG susundan sana ito ng senador ngunit pinigilan siya ng kaibigan. "For now let him be alone. Mahirap para sa kaniya ang pinagdaanan lalo at silang mag-ina lang ang magkasama simula't sapol. Kaya't hayaan mo muna siyang makapag-isip. And I'm sorry for this but you need to go home for now too. Upang hindi masyadong makahalata ang asawa mong hinanap natin si Geum. For now don't tell them about Jang. Saka na lang kapag okay na ang lahat," anito. "Sige, bro, my best friend, who never leave me behind. Kahit nalayo sa pamilya ay mas piniling manatili rito. I'm very thankful to have you in my life, Raso my friend. Babalik na lang ako bukas at sana'y magkausap na kami ng maayos," tugon ng senator saka tinapik sa balikat ang kaibigan bago tuluyang umalis. Hinintay naman ni Raso nakaalis ng tuluyan saka pa lamang pinakawalan ang malalim niyang paghinga. "Tiisin mo, Aja, ang hirap dahil hindi madali para sa kay Jang ang lahat. Pero huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita sa kaniya," bulong niya habang nakatanaw ditong papaalis. Days, weeks, and even months have passed! Pero wala na talagang balita si Jang sa kaniyang ina. Hindi na niya alam kung buhay pa ito, kung nasaan na ito. How he miss his mother. Unti-unti na rin niyang natatanggap ang katotohanang isa siyang Gaesamun. Sa unang linggo ay nahirapan talaga siyang maka-adjust sa bagong buhay, bagong nature, lahat ay bago sa kaniyang paligid. Pero sa tulong ng kaniyang ama at tiyuhin ay unti-unti rin siyang nakausad. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Yonsie University, nasa unang taon siya ng kursong Business Administration. Kung tutuusin ay maaga siyang nakapasok sa university dahil mag-labing anim pa siya pero dahil sa impluwensiya ng kanyang ama ay nakapagtapos siya ng secondary kahit sa bahay lang siya. He successfully completed his secondary with honors online. Kaya't heto siya sa university of Yonsie sa kursong Business Administration, sa piling ng tiyuhin niya siya nakatira pero sa bahay ng ama niya siya gumagamit ng library, kasalukuyan itong nagpapagawa ng sarili niyang library. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang may sumigaw, ang nakababata niyang kapatid. Anak ng kaniyang ama sa asawa nito. And yes he's a child out of wedlock. Sa madaling salita ay isa siyang bastardo. "Hoy, sampid! Ano'ng ginagawa mo rito sa library ko?!" Matinis na boses ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. "Ah, pasensiya ka na, Kim Doham. Sabi naman kasi ni Papa ay okay lang na makigamit muna ako rito sa library---" "Shut up! You should shut your mouth up! Sino ang Papa mo? Si Daddy? Hoy, Buyeo Jang! Makinig kang mabuti dahil kahit nandito ka sa tahanan ng mga Gaesamun ngunit hindi ibig sabihing tanggap ka na naming lahat! Ako lang at wala ng iba, ang nag-iisang tagapagmana ng mga Gaesamun! Tandaan mo iyan! Layas! Lumayas ka sa library ko!" sigaw nito. Mas matanda siya rito ng halos tatlong taon. Ngunit sa pananalita at kilos nito ay mas matanda ito kaysa sa kaniya. Madalas itong nakasigaw sa kaniya kahit pa sabihing wala siyang kasalanang nagawa. Ngunit ayaw din naman niyang magkaroon sila ng hidwaan ng kaniyang ama. Kaya't kahit minsan ay bumibigay ang pasensiya niya ay umiiwas na lang siya. Kaso! "Anong kaguluhan ito, Kim Doham? Ganyan ba ang pagtrato mo sa Kuya mo? Say sorry to, Jang, now!" mabalasik na sigaw ni Senator Gaesamun. Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ng anak. Kaya naman ay napatakbo siya sa library. "Me? I'll say sorry to that bastard? No way! Over my dead body!" mariing sagot ng katorse anyos na binatilyong si Kim Doham. Hindi na nga rin nito pinakinggan pa ang sigaw ng ama. "Hayaan mo na, Papa. Pasasaan ba't magbabago rin siya," aniya na lamang ni Jang sa amang nakatanaw pa rin sa kapatid niyang nag-walked out. Deep inside of him ay naiinis na rin siya sa kapatid. Kasi kailangan pa niya ang mas mahabang pasensiya para sa kaniyang pangarap. "Sumusubra na siya, Jang anak. Huwag kang mag-alala anak malapit nang matapos ang library mo sa bahay ni Raso. Gusto kitang makasama araw-araw anak kaso ayaw ko rin namang lagi kang binabastos ng kapatid mo. Hindi sa lahat ng oras ay nandito ako upang ipagtanggol ka kaya't sorry anak kung doon ka nakatira sa Tito Raso mo." Hinging-paumanhin ng senator. "Wala pong problema, Papa. Dahil araw-araw din ka rin namang dumadaan doon. Saka ayaw ko rin naman pong kayo ni Tita ang mag-away. May general meeting po pala sa university, Papa. Kung may oras ka po ikaw ang dadalo pero kung hectic ang schedule mo ay si Tito Raso na po," pahayag ni Jang. Kailangan niyang pahabain ang pasensiya. Dahil iisa lamang ang half-brother niya samantalang sa Baekjung ay buong paaralan at lugar nila ang bimabatikos sa kaniya. Inaamin niyang nagalit siya sa kaniyang ama dahil na rin sa hirap na pinagdaanan nilang mag-ina. Pero sa pagdaan ng mga araw simula nang nakilala niya ito ay unti-unti na rin niyang nauunawaan ang lahat. Kung bakit nagkahiwalay ang mga ito. "Thank you so much, Jang anak. Napakabait mong bata. Malayo ang mararating mo basta tandaan mong ikaw ang masusunod pagdating sa pangarap mo sa buhay. Sige na anak nasa labas na ang Tito Raso mo." Tinapik-tapik naman ng senador sa balikat ang anak. Ngumiti at tumango na lamang si Jang bilang sagot. Hindi na siya nagsalita dahil kahit siya ay gusto rin niyang makasama ito. Subalit dahil sa kasalukuyang pamilya nito ay limitado rin ang oras nilang mag-ama. Laking pasasalamat na lamang niya dahil tinanggap siya ng buong-buo. AS the years goes on, ganoon ay ganoon din ang naging takbo ng buhay niya. Yongsie University-bahay-library lang ang iniikutan ng buhay niya. Kung hindi siya isinasama ng ama at tiyuhin sa mga lakad ay hindi siya nakakalabas ng bahay. Dahil talaga namang wala siyang hilig. UNTIL the most awaited time came! It's been four years since he stayed with his father and now he's one of the Business Administration major in Management graduates. And he'll be receiving the highest award when it comes to academic. He's sports lover but he prioritized his university academic. He enrolled himself in martial too where he found out that he's an expert when it comes of swords. "Hindi na nakapagtatakang maraming nagkakagusto sa iyo, anak. Asides from you are academic excellence, you're expert in martial arts too. You're a gifted child. Congratulations, son. You've grown in into fine young man," masayang ani Raso sa pamangkin. "Thank you, Tito. This is just a beginning of my dream to be a businessman someday. Thanks to you and Papa Aja," tugon naman ng twenty years old na si Jang. Dumalo man ang kaniyang ama sa pagtatapos niya. Kaso dahil isa itong VIP sa graduation ceremony ay silang magtiyuhin lang ang magkasama ng oras na iyon. Well, nakasanayan na rin naman niya ang ganoong set up nilang mag-ama. Simula nang natapos ang library niyang pinalagyan din ng ama ng completong aklat about businesses, may desktop na mayroon pa siyang personal computer o laptop na dala-dala niya sa university. Kaya't wala na siyang mahihiling pa. But! "It's nearly five years already since the last time I saw my mother. Though I never seen her since the day I left Baekjung but still I can feel her besides me. How is she now? Where is she living nowadays?" Buong akala niya ay sa isipan lang niya nasabi ang tungkol sa ina pero nanulas pala niya. Kaya naman bigla siyang napalingon ng magsalita ang ama na hindi niya namalayang nakalapit. "Kung nasaan man ngayon ang Nanay mo ay sigurado akong masaya siya. Dahil nakamit mo ang iyong pangarap sa buhay with flying colours. You've got the highest academic award and because of that I'm quite sure that Geum is the happiest woman's alive on earth. Congratulations, son. I'm very proud of you," anito. He, Jang rarely hugs his father but at the very moment he did. He hugged him barely infront of his co-graduates, parents and instructors. But! In the other side of the university gymnasium where they held the graduation ceremony, a pair of eyes is watching them with furious look. Even he's cursing! He wants the bastard as he calls dead! He's swearing at all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD