One year later... "Congratulations, Ate! Finally the Lady Priest is getting married!" Masayang inilahad ni Jürgen ang mga braso sa kapatid na nakasuot ng damit pangkasal. "Tsk! Tsk! Kasal ng kapatid ninyo pero mukhang ayaw ninyong palampasin ah," tuloy ay saad ng pinsan nilang si Patrick Adams. "Ikaw naman, brother. Hayaan mo na silang magkantiyawan. Dahil sigurado akong pagkatapos nitong kasal ay manirahan na sila ng tuluyan sa Korea. Aba'y para silang mga lagari sa kapaparoo't parito ah." Nakatawa ring pangangantiyaw ni Terrence Niel. DAHIL totoo naman kasing sumunod pa rin sila sa kulturang Filipino. Pinalipas nila ang isang taon simula nang pumanaw ang ama ni Jang. Ganoon pa man ay naging lagari silang dalawa. Korea to Pilipinas then to Germany. Idagdag pa ang ibang bansang dinadal