"N-nasaan ako?" ang unang salitang nanulas sa labi ni Senator Aja nang iminulat ang mata. "Kumusta po ang pakiramdam mo, Papa? Sa tanong mo ay nandito tayo ngayon sa owner's room ng MULLER. Mas sigurado ang kaligtasan mo rito kaysa pagamutan. Okay ka lang po ba, Papa?" patanong na tugon ni Jang. Hindi man sumagot ang senator pero bahagya siyang tumango. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan hanggang sa nasulyapan niya ang loyal and faithful right hand man. "Halika rito sa tabi ko, Young," aniya. Agad naman itong sumunod. Lumapit ito sa kaniya saka inabot ang palad niyang nakalahad. Pinagtulungan nila ng young master na paupuin ito. "Hindi ko alam kung ano ang susunod nilang hakbang. Kaya't makinig kayong dalawa lalo na ikaw, Jang." Baling niya sa anak na nasa k