Hindi ako makatulog ngayon dahil sa init ng panahon. Parang tanghaling tapat sa sobrang init. Naligo na ako pero lagaslas pa rin ang pagtulo ng mga pawis ko ngayon mula sa aking noo. Dalawang beses na akong nagpalit ng aking damit. Pero hindi ko pa rin maramdaman ang kaginhawaan. "Hydee!" Tawag ko sa kaniya at nagbabakasakali na sana ay gising pa siya sa mga oras na ito. Gusto ko siyang kausapin dahil kanina pa siya tahimik sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong mali sa kaniya dahil maayos naman kami kanina nang ihatid kami ni Kiran. Pakiramdam ko nga ngayon ay ako ang dahilan kung bakit siya matamlay. Kahit kasi hindi niya aminin sa akin ay nararamdaman ko. Tiningnan ko ang oras ngayon sa cellphone ko at napagtanto ko na alas onse na pala ng gabi. Humiga akon