Totoo ngang pinapasok ng landlady namin si Kiran sa boarding house. Wala na akong nagawa kundi ang mapamaang na lang. Lalo na nang bigla na lang itong sumulpot sa harap namin at sinabing totoo ang sinabi ni Kiran. "Huwag ka ng mag-alala, Elyse. Ako ang nagpapasok sa kaniya. Pinilit ko pa nga iyang nobyo mo, e!" paliwanag nito sa akin habang nakangiti. "Ang gwapo ng batang ito nahihiya na tuloy akong ireto sa iyo ang anak ko," dagdag niyang wika bago ito umalis. Pinanliitan ko ng mga mata ko si Kiran dahil hindi ako naniniwalang tumanggi siya. Siya pa kaya hindi papayag? Lahat na lang yata ay kaya niyang gawin para lang makalapit sa akin. Kaya napaka-imposibleng paniwalaan na tumanggi siya ng ayain siya ni Aling Cilia. Pero kung sabagay, sino ba naman ang makakahindi sa kaniya