Nauna akong magmulat ng aking mga mata at hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog ng lalaking kasama ko ngayon. Madilim pa naman ang langit kaya hindi ako nataranta. Sinulit ko muna ang mga araw na hindi ko siya nakakasama, kaya pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha habang natutulog pa. Ang gwapo niya talaga. Dahan-dahan kong pinalapat ang aking daliri sa kaniyang mukha para sana hawiin ang buhok na tumabon sa kaniyang magagandang mata. Nagtagumpay akong hawiin iyon at bago ko pa man alisin ang kamay ko ay mabilis na niyang nahuli ang aking pulsuhan para pigilan. Idinikit niya ang palad ko sa kaniyang pisngi at ginawang unan. "Gutom ka na ba?" mahina kong tanong sa kaniya na halos bulong na lang iyon dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. "Ikaw, gutom ka na ba?" balik