Habang lumilipad ako sa ibabaw ng itim na ulap ay may napapansin ako. Hindi lamang lumakas ang aking aking katawan kundi lumakas din pati ang pakiramdam ko ngayon. Nararamdaman kong nasa kapahamakan ngayon si Kiran. Hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyayari ngayon, pero alam kong meron? Alam kong may kapangyarihan si Kiran para iligtas ang kaniyang sarili at imposibleng malagay siya sa peligro. Pero hindi lahat ay alam ko. Hindi dahil malakas siyang nilalang ay wala na siyang magiging katapat. Malakas ang kutob ko kaya sinunod ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Sinadya kong sumugok sa itim na mga ulap upang walang sino man ang makakakita sa aking paglipad. Mabuti na lamang dahil gabi na at walang makakapansin sa akin dahil masama ang panahon. Abala ang mga tao sa