Two Months Later Sa loob ng dalawang buwan ay para kaming isang masayang pamilya. Oo, kinaya kong magpanggap na masaya, ’yong tipong kahit mahirap ay pinipilit ko pa rin ngumiti bawat araw. Nakita ko naman kung paano gumuhit ang ngiti sa labi ng mga anak ko. Naging masaya na ang anak kong si Anzhelika dahil kasama na kami ng kaniyang ama. Ang anak kong si Enrico naman ay nalimutan na nito ang paghahanap sa kaniyang tunay na ama na si Azelio, dahil nalibang na ito sa kaniyang Ate Anzhelika. Nagpakaama naman si Tred dito kahit hindi naman nito anak, kaya kahit papaano ay lubos akong nagpapasalamat. Natutulog kaming apat sa iisang kuwarto at sa iisang kama lang, bale sa gitna namin ni Tred ang dalaw akong anak. Para na nga kaming masayang pamilya kung titingnan. Bihira na rin umalis si T