DUMATING kami ng ospital at pina-checkup nga ako ni Tred sa isang babaeng doctor, tinanong muna ako nito kung ano na ang mga sintomas na nararamdaman ko; mabuti na lang talaga ay nakapag-research ako ng konti, kaya naman sinabi ko na lang na masakit kapag umiihi ako. Hiningian naman ako nito ng ihi para raw ma-test at malaman kung gonorrhea ba o baka HIV na. Kaya lang mamaya ko pa malalaman ang resulta. At ngayon ay narito ako sa loob ng isang private room dito sa ospital na ito, mag-isa lang dahil iniwan na ako ni Tredius. Pero may mga tauhan naman itong iniwan—na ngayon ay nasa labas lang ng pinto nakabantay. “Mabuti naman at tumawag ka. I've missed you, Haze. Kumusta naman ang misyon mo? Ayos ka naman ba?” tanong sa akin ni Sir Charles nang tawagan ko ito gamit ang aking smart watch.