PARANG ayaw nang paawat ang luha sa mga mata ko, tuloy-tuloy ang pagtulo habang nakatingin sa lalaking nakahiga at payapang nakapikit suot ang kaniyang puting tuxedo. Nanginig ang labi ko, pero walang lumabas na salita kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko nang magwala dahil sa sama ng loob. Naghihinagpis ako sa labis na galit. “Napakawalanghiya mo, pati anak ko ay hindi mo pinalampas sa pagiging sakim mo. May alam ka pala sa kaniyang sakit, pero hindi mo man lang sinabi sa akin, mas pinili mong abandonahin ang anak ko sa ospital na ’yon. Wala ka kasing sama, Azelio,” usal ko habang tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Hinaplos ko ang makintab na salamin ng kabaong, haplos na marahan pero may diin at puno ng panggigigil dahil sa galit at labis na pagkasuklam. Kung wala lang sana