Pitong buwan na ang aking tiyan kaya medyo malaki na ito. Ngunit kahit ganoon paman ay hindi ako nagpabaya sa aking sarili. Inalagaan ko pa rin ang aking katawan. "Kaye..." bulong ni Derick akin at kasalukuyan kaming nakahiga sa kama. "Ummm?" sagot ko. "Saan mo pala gustong mag-honeymoon tayo?" He asked, while hinihimas niya ang aking tiyan. "Gusto doon lang tayo sa probinsiya. Mas maganda doon tahimik at presko ang hangin." tugon ko. Tahimik na tumawa si Derick, habang nakatitig sa aking mukha. "Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Nagtaka lang ako sa'yo dahil kakaiba ka." aniya. "Bakit mo naman nasabi 'yan?" "Paano naman kasi, mayaman ka pero hindi ka tulad ng iba na mahilig gumigimik at maraming bisyo. At higit sa lahat mahilig mag-out of town." "Actually, hindi talaga ako mahil