PAGKALIPAS ng dalawang oras ay nakabalik na ako at sinamahan ko si Derick sa pagbabantay kay Martina. Nanatili pa rin itong walang malay dahil na rin sa ibinigay namin na gamot pampatulog. Sasamahan ko sana si Derick ng buong gabi pero hindi niya ako pinayagan na dito matulog sa hospital. Dahil makakasama raw sa aming anak hindi na ako namimilit kaya unuwi akong mag-isa kinagabihan. Kinabukasan ay maaga rin akong umalis ng bahay para bisitahin si Martina at nagdala ako ng breakfast para sa amin ni Derick at dinalhan ko rin siya ng bihisan. Nang makarating ako sa kuwarto ng bata ay tulog pa si Derick. Siguro puyat ito kagabi dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at humalik sa noo nito. "Hmmm ... good morning, Kaye." Bati niya nang nagising ito. "Good morning! Sorry, nagising kita"