"Grabe! Napagod ako," wika ni Derick sabay higa niya sa aming kama. "Maligo ka muna, Dad. Baka makatulog ka na niyan," utos ko sa aking asawa at ako naman ay ito, nagpadede sa aming baby Riye, dahil matutulog na. Tumayo si Derick at nagtungo sa banyo at ramdam ko talaga ang kaniyang pagod sapagkat buong araw itong busy at hindi makapagpahinga. Dahil tulog na ang aming anak ay ipinahiga ko na ito sa kaniyang crib at inaasikaso ko naman ang damit ng aking asawa. Nang lumabas siya mula sa banyo ay agad kong inabot sa kaniya ang damit. "Ang bango ng Daddy ko," pagbibiro ko sa kaniya. "Kahit hindi naman ako naliligo mabango pa rin naman itong asawa mo," tugon naman niya sabay yakap sa akin. "Bantayan mo muna si baby at ako naman ang mag-shower," saad ko. "Okay!" aniya at humiga na siya s