HILING

2430 Words

Alas-nuebe na ng umaga pero nakahiga pa din ako. Hindi makaramdam ng gutom kaya hanggang ngayon ay hindi pa din kumakain. Nakailang beses na akong tinanong nina Miss Yunnie at Ine kung kakain na ako, pero iling ang sagot ko sa kanila. Kakain naman ako kapag ginutom ako. Mabigat ang aking katawan. Mabigat pa din ang dibdib ko dahil sa nangyari kagabi. Umiyak na naman ako nang umiyak. Ang hirap. Ang hirap magmahal ng maling tao. Bumuntong hininga ako. Ayaw ko ng umiyak. Baka kapag umiyak ako at malaman ni Ardent, mas lalong hindi babalik ng Manila. Kailangan na niyang umalis. Nasa labas na ulit si Precia. Ang sabi ni Ine ay sumabay daw ito kay Ardent na kumain ng almusal. May kinuha pa nga siyang picture at video ng mag-ama habang masayang kumakain. Nagsusubuan sila. Ang sarap nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD