Nagtipa ako ng number sa kaniyang phone, habang nakatanaw naman siya. Dikit na dikit na kaming dalawa pero wala siyang pakialam. Kung puwede lang na may mas ididikit pa, gagawin niya. "Ilagay mo na lang Ms. hottie. Ayaw mo namang ibigay ang pangalan mo," sabi niya, so I did. Sinaksak ko pa sa dibdib niya ang phone niya dahil ayaw pa niya agad tanggapin. Sinasayang niya ang oras ko. Nakatitig siya sa akin na parang tanga. Umirap ako bago ko siya tinalikuran pero tumawa lang siya. "It's not ringing," sabi niya. "Hey, you gave me a wrong number." Talagang naninigurado. Bakit ba siya interesado sa akin? Oo, sexy ako at maganda pero alam ko naman na mas madami pa diyan na kasing ganda ko, o mas higit pa sa akin na matitisod niya. Ano ba talaga ang nakita niya sa akin? "Low batter