KARMA

1947 Words
Walang tao at sobrang kalat din ng bahay, kaya imbes na magpapahinga sana ako ngayon, naglinis na muna ako. Binuksan ko ang kuwarto ng malandi kong pinsan ngunit mukhang hindi pa umuwi ang babae. Naalala ko na naman ang nangyari. Napakalandi talaga. Kaka-eighteen lang niya, tapos nakikipag-s*x na. Hindi ko sure kung si Roger ba ang nakauna sa kaniya, dahil kahit ng high school siya, kung sino-sino na din ang kasa-kasama niyang lalake. Pagkatapos kong maglinis, sinalang ko na ang mga labahin sa washing machine. Nagpakulo ako ng tubig upang makapagkape. Walang laman ang fridge, kaya wala akong mailuluto. Iisang noodles na lang din ang laman ng cabinet. May kanin pa naman kaya nakapagsaing pa ako. Kailangang magkalaman ang aking tiyan. Wala pa akong kain simula kahapon. Mahapdi na nga, e, dahil inuna ko pa talagang magpakalunod sa alak kaysa kumain. Napangiwi ako dahil ramdam ko ang pagtibok ng kirot sa aking panggitna. Malandi ka Beryl. Malandi ka! Para hindi ko na maisip pa ang katangahang ginawa ko, nagpaka-busy na lang ako sa paglilinis sa buong bahay. Nakatulog ako pagkatapos. Nang magising ako, gabi na. Nagugutom na ako. Siguro naman may pagkain na. Paglabas ko ng silid ko, hindi pa nabubuksan ang ilaw sa buong bahay. Ibig sabihin hindi pa umuuwi si Auntie at ganoon din ang pinsan kong si Therese. Mukhang wala ng planong umuwi ang babaeng iyon. Baka makikipagsama na siya kay Roger. Tsk! Bahala na silang dalawa sa buhay nila. Kakarmahin din sila. At papalakpak ako kapag nangyari iyon. Palapit na ako sa switch ng ilaw sa sala nang magbukas iyon. Nagkagulatan kami ni Therese. Nagkatitigan kami hanggang sa muli kong naramdaman ang galit ko para sa kaniya. "Ikaw!" Bago pa ako makalapit sa kaniya, nauna na niya akong sapakin. Nagsabunutan kami hanggang sa matumba kami sa sahig. Nagpagulong-gulong "Napakalandi mong babae ka! At boyfriend ko pa talaga ang nilandi mo!" "Kasalanan ko ba kung mas maganda ako sa'yo!" sagot naman niya. Sa gigil ko tinuhod ko ang kaniyang petsay para magpahinga muna siya sa pakikipag-ana ana sa nobyo ko. "Aray! Tang-ina!" "Ipahinga mo muna iyang kepyas mo! Baka lumuwag na iyan!" gigil na sabi ko. Ang pangit ng mga lumalabas sa bibig ko pero hindi ko na mapigilan ang galit ko. Siya na nga ang may kasalanan sa akin siya pa itong malakas ang loob. Napangiwi ako nang makalmot niya ako sa leeg, kaya muli ko siyang tinuhod sa kaniyang kepyas. "Aray! Tanggapin mo na lang kasi na hindi ka mahal ni Roger. Ako ang mahal niya. Mas humaling siya sa akin dahil mas bata ako sa'yo. Mas sariwa at sexy!" "Mas bata, oo! Mas sariwa at sexy? Girl, hindi ka pa halos nagdadalaga pero hindi na pangdalaga ang katawan mo. Kumbaga, pudpod ka na!" "Kaysa naman sa'yo, Manang!" "Ah, manang pala ha!" Sinampal ko siya saka inumpog. "Aray! Bitawan mo ako!" sigaw niya pero muli ko siyang inumpog, kaso nanlalaban siya. "Ano'ng nangyayari dito?!" Natigilan kami nang marinig namin ang sigaw ng aking tiyahin. "Jusko po! Ano'ng ginagawa niyo?! Tumigil kayo!" "Bitawan mo ako," sabi ni Therese pero hindi pa din naman niya binibitawan ang buhok ko kaya hindi ko din pinapakawalan ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang buhok na mahigpit kong hawak. Naniningkit na ang kaniyang mga mata dahil sa pagkahila ng buhok mula sa kaniyang anit. "Bitawan mo muna ako," banta ko din. Nilagpasan kami ni Tita. Pumasok siya sa kusina kaya muli kaming nagsabunutan ni Therese. Hanggang sa sabuyan kami ni Tita kaya mabilis kaming bumitaw sa isa't isa. "Ano ba'ng pinag-aawayan niyo, huh?! Ikaw Beryl! Bakit ka pumapatol sa bata?!" "Bata pa ba iyan? Gumagawa na nga ng bata!" "Ano'ng sabi mo?! Beryl, hindi ko gusto iyang tabas ng dila mo." Galit na tumingin si Tita sa akin. Namumula na ang kaniyang mukha sa galit. "Totoo naman, Tita. Kahapon, nahuli ko sila ni Roger na nag-se-s*x sa condo mismo ni Roger!" Tinikom ni Therese ang kaniyang bibig. "Totoo ba iyon?!" sigaw ni Tita. Pero hindi ako natutuwa sa nababasa ko na reaksyon ni Tita. "Opo, Mommy. Hindi ko kasalanan na nagustuhan ako ni Roger, Mommy!" Suminghap si Tita. As I expected hindi siya magagalit, dahil anak nga naman niya ang malanding hudas na 'to. This is unfair! "Papuntahin mo si Roger dito," sabi ni Tita kay Therese. "Why, Mommy?" "Basta, papuntahin mo siya!" "At ikaw naman, Beryl! Ipaubaya mo na lang ang nobyo mo sa pinsan mo. Hindi naman papatol iyon sa pinsan mo kung mahal ka talaga." "Ano'ng ibig mong sabihin, Tita?" "Kailangang pakasalan ni Roger si Therese." Ano?! Kumuyom ang aking kamao. Mayaman nga naman si Roger kaya ito agad ang naisip ni Tita. Sa dating mga nobyo ng anak niya, hindi naman siya ganito dahil mga teenagers lang din ang mga iyon. Ano nga ba naman ang mapapala nilang mag-ina doon. Galit ako. Galit na galit pero pinili kong manahimik. Wala naman akong planong makipagbalikan pa kay Roger pero hindi ko lang matanggap na magpapakasal sila ng pinsan ko. Dumating si Roger. Nagulat pa ang lalake nang makita niya ako. Kinakabahan ang kaniyang itsura at nang sabihin ni Tita ang dahilan kung bakit siya pinapunta dito, namutla siya. "Kailangan mong pakasalan ang anak ko," diretsahang sabi ni Tita. Napalunok ang magaling na lalake at saglit pa akong sinulyapan. Nag-iwas naman ako ng tingin. "Aware ka naman na kaka-eighteen lang niya, di ba? Kailan pa nagsimula ang relasyon niyo?" "Three months na kami," sagot naman ni Therese. May pagmamalaki sa kaniyang mukha. Si Roger naman ay halos hindi na makapagsalita. Maya't maya akong tinitingnan. "Kailangan na nating planuhin ang kasal. Kailan kayo makakapunta dito kasama ang magulang mo?" "Busy po sila," sagot naman ni Roger. May business ang mga magulang niya at madalas nga na wala ang mga ito sa kanilang bahay. Sina Tita at Therese lang ang nagsasalita sa buong pag-uusap nila tungkol sa kasal. Sinabi nila ang gusto nila. Kung ilang bisita ang dadalo sa enggrandeng kasal na gusto nila. Buong oras tahimik lang ako. Nagngingitngit sa galit pero kapag naaalala ko ang kagagahan kong ginawa, nasasabi ko na lang sa sarili ko na hayaan ko na lang si Roger. Mag-move on na lang ako agad. Mabilis naman siguro akong makaka-move on since kagabi nga, naisuko ko ang bataan dahil sa kagagahan ko. Gusto ni Therese na tumira siya sa condo ni Roger pero hindi pumayag si Roger. Dinahilan pa nito ang pagiging conservative ng kaniyang ina. Gabi na ng matapos ang usapan. Nagpapaalam na din na aalis ang lalake habang panay pa din ang sulyap sa lalake. "Beryl, tanggapin mo na lang na hindi kayo para sa isa't isa ni Roger," sabi ni Tita. "Total wala pa namang nangyayari sa inyo, di ba? Isipin mo na lang na instrumento ka lang para magkakilala ang pinsan mo at ang ex mo. Ganoon talaga ang buhay, Anak." I sighed and look at them with a blank face. "Yes, Auntie. I'm okay. Saka bagay naman sila," sabi ko sabay pilit na ngumiti. "Hindi na ako magluluto. Hindi naman ako gutom," sabi ko saka sila iniwan. Hindi ko alam ang iisipin ko sa mga sandaling ito. Gusto kong iyakan ang nangyari sa relasyon namin ni Roger, pero mas lamang ang pagsingit sa aking utak n'ong nangyari kagabi sa amin ng estranghero. Mukhang mauuna pa akong maka-move on sa sinapit ng relasyon namin ni Roger bago ko makalimutan ang unang karanasan ko sa estrangherong iyon. Sobrang guwapo niya. Ang laki din ng kaniyang—napangiwi ako. Goodbye, Mr. Hot stranger. Ngumisi ako habang inaalala kung paano ako halikan ng mapupula niyang mga labi. Ang bango pa ng kaniyang hininga. Ang sarap niyang humalik. Ah! Mababaliw na ata ako. Parang gusto kong magsisi kung bakit ako umalis kanina. Kaso baka kung siya ang naunang gumising, baka ako pa ang bigyan ng pera dahil sa nangyari sa amin, para lang kalimutan siya at huwag ng guluhin. Sa guwapo niyang iyon, siya iyong tipo na hindi nagseseryoso. Yeah. Times ten ata na mas guwapo siya kay Roger. Si Roger na ang tino-tino nang una, nagawa pa akong lokohin tapos ang lalakeng iyon pa kaya? Baka nga may girlfriend iyon, e. Nag-apply ako sa bagong trabaho kinaumagahan. Gustong-gusto ko ng umalis sa bahay ni Tita at magbukod na lang pero ayaw kong may maisumbat sila sa akin. Tumutulong ako sa gastusin sa bahay. Ako ang nagbabayad ng mga bills at bumibili din ako ng groceries. Kada hapon, after work tumatambay naman sina Roger at Therese sa bahay. Madadatnan ko sila sa sala naghaharutan, naglalampungan pero dinadaanan ko lang sila. Pansin ko na gusto akong kausapin ni Roger pero nakalingkis lang lagi ang pinsan ko sa kaniya. Hindi ko din naman siya gustong kausapin. Ayaw ko siyang makausap. Lumipas pa ang ilang linggo. Umuwi ako isang gabi na nadatnan ko si Tita na kinakausap si Roger. Pine-pressure niya ang lalake tungkol sa kasal. Gusto niyang mamanhikan na sila, pero madaming dahilan si Roger. Hindi ko alam kung bakit hindi niya mapakasalan si Therese. Hindi naman niya ako ipapalit sa babae kung hindi niya mahal ito, di ba? Hanggang sa wala na siyang maidahilan pa, dahil nagagalit na si Tita sa kaniya. Namanhikan sila at nagulat ang mga magulang niya nang malaman na hindi ako ang pakakasalan. Kita ang disgusto sa kanilang mga mukha lalo pa at napaka-sexy ng suot ng aking pinsan. Sobrang kapal din ng kolorete sa kaniyang mukha. Pero sa huli, nagkasundo sila tungkol sa kasal. Hindi naman ako na-ba-bother doon. Natanggap ko na ang lahat. P-Paano'ng hindi ko matatanggap, e, may sarili din akong problema na dapat alalahanin. NGAYON ang kasal nina Therese at Roger. Hindi ako nag-leave sa work. Wala ako sa mood na um-attend. Hindi ako hipokrita. Hindi din ako bitter. Pagod akong umuwi ng bahay para lang salubungin ng sampal ni Tita. "Tita!" Hawak ko ang kaliwang pisngi ko na sinampal niya. "Kinausap mo ba si Roger na huwag ituloy ang pagpapakasal sa pinsan mo?!" "A-Ano? Hindi, Tita. At saka hindi natuloy ang kasal nila?" Napatingin ako sa pinsan ko na magang-maga ang mukha sa pag-iyak. Suot pa din niya ang kaniyang traje de boda. "Huwag ka ngang magmaang-maangan! Tumawag si Roger kanina. Ang sabi niya hindi niya ako kayang pakasalan, dahil ikaw ang mahal niya!" "Hindi ka din nagpunta sa kasal! Nakipagkita ka ba sa kaniya? Huh?!" Sinampal na naman ako ni Tita. "Pumasok ako sa trabaho," patag na sagot ko sa kaniya. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Walang kahit ano'ng emosyon ang mababakas sa aking mga mata. "Sinungaling!" Akmang sasampalin na naman niya ako, pero umilag ako. "Wala kang utang na loob!" "Nabayaran ko na ang utang na loob na sinasabi mo, Tita. Kinupkop mo ako nang pitong taong gulang palang ako, pero hindi para alagaan mo kundi gawin mong katulong. Lahat ng butil ng kanin na pinapakain mo sa akin ay nabayaran ko na. Nang high school ako, nagtrabaho ako para may pambaon ako sa school dahil hindi mo naman ako binibigyan ng baon. Binigyan mo ako ng masisilungan pero hanggang doon lang iyon, dahil hindi mo naman ako inaruga. Pero kahit na ganoon, minahal ko kayo." "At talagang sumasagot ka pa?! Lumayas ka dito!" Wala akong ibang mapupuntahan pero mas okay na ding umalis ako dito. Pagod na akong intindihin sila. Sarili ko naman. Kinuha ko ang mga gamit ko sa aking kuwarto. Palabas na ako ng bahay nang harangan ako ni Therese. "Mommy, kapag pinaalis mo siya, baka magsasama na sila ni Roger!" "Beryl, ipaubaya mo na sa akin si Roger. Buntis ako!" Bahala kayong mag-overthink diyan. Isipin niyo ang gusto niyong isipin. "Next time, huwag basta-basta bubukaka at magpapabuntis, okay?" Pati ako ay tinamaan sa sarili kong salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD