May pinadalang lunch si Mr. Hottie. Galing ito sa isang italian restaurant. Iniisip siguro niya na nagsawa na ako sa mango sticky rice kaya hindi na niya ako binilhan. Ako na lang ang bibili mamayang uwian. Infairness nasarapan ako sa pagkain. Maganda ang mood ko pagkatapos ng lunch time. Nakapag-focus na din ako sa aking trabaho. Hindi ako saktuhan na nag-out. Hinintay ko muna ang mga katrabaho ko na makaalis. At tama nga lang ang desisyon ko dahil nasa Thai restaurant si Mr. Hottie. Naghihintay siya sa akin. "Paano mo nalamang pupunta ako ngayon dito?" nakangisi kong tanong. Kumunot naman ang noo niya. "I didn't know. I was actually waiting for someone here." "Ano?" Nakakahiya! Tama na ang pagiging asyumera, Beryl. Humalakhak siya. "I was just kidding." Inakbayan niya ako