ARDENT'S POV Sobrang gulo. Wala naman akong ibang puwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. Oo, may malaking parte din sina Mommy at Lolo sa gusot na 'to, pero kung hindi ko sana ginulo ang buhay ni Beryl, hindi sana aabot sa puntong ito kung saan nahihirapan siya. Bagong panganak lang siya. Alam kong sobra-sobrang stress na ang nabibigay ko sa kaniya. Mula nang magbuntis siya hanggang sa maisilang niya sa mundo ang kambal naming anak. Pero hindi ko pinagsisihan ito. Mahirap pa ngayon, pero ginagawa ko naman ang lahat para matapos na ang lahat ng problema na 'to. Ginagawa ko lahat, para malagpasan na namin ang pagsubok na 'to. Pagod na pagod sila sa byahe pagbalik ng Manila. Para kahit paano magkaroon siya ng kaunting kapayapaan, hindi ko na pinagpilitan ang gusto ko. Alam kong naip