Umalis na siya at hindi ko alam kung kailan ulit siya makakabalik. At kung makakabalik pa ba siya sa amin na gaya ng kaniyang pangako. Pinangako ko sa sarili ko na ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kaniya. Kailangan kong magpakatatag pa lalo, dahil ako lang ang nahihirapan kung patuloy kong iiyakan ang mga bagay na wala akong kontrol. Ang may alam lang ng lahat ay ang nasa itaas. Kung pagbibigyan niya ang aking dasal, iyon ay wala ding katiyakan. Pero iisa lang ang alam ko. Hindi niya hahayaan ang anak niya na magdusa, kaya kung hindi man niya pagbigyan ang bagay na pinagdadasal ko, iyon ay dahil hindi iyon makabubuti sa akin. "Ardent!" iyak ni Precia na kinabalikwas ko. Gising na siya at ang taong inaasahan niyang makita paggising niya ay wala na. Wala na naman. Bumalik