"I like it!" maarteng sabi ni Precia habang sarap na sarap sa kinakain na mango sticky rice. Naghati kami dahil gusto ko pang kumain. Gustong-gusto ko talaga ito. Tamad akong kumain nitong nakaraang araw, pero ngayon medyo magana na naman ako. Siguro dahil sa libre ni Mr. Hottie. Napangiti ako pero agad ko ding pinalitan ng ngiwi dahil nakaramdam ako ng iritasyon para sa aking sarili. Huwag mong isipin ang lalakeng iyon, masisira lang ang buhay mo, paalala ko sa aking sarili. Sa dinami-dami ng lugar dito sa NCR, lagi na lang kaming nagtatagpo ng lalakeng iyon. Di bale at gagalingan ko na lang ang pag-iwas. Pagkatapos kumain, nagpunta naman kami sa laundry para palabhan ang mga beddings at towel namin. Dinamay ko na din iyong mga damit namin sa pang-araw-araw. Hindi talaga ako nakap