PROPOSAL

2107 Words

May sinat si Precia kaya hindi natuloy ang plano sana namin ni Ardent. Excited pa man din na sana kami, kaso syempre kailangan naming unahin ang aming anak. Nag-text siya sa kaniyang Mommy upang sabihin na huwag na munang ibalik ang kambal dito, dahil may sinat ang Ate nila. May na-pump naman na akong breast milk na kasya na sa kanila hanggang umaga. "Sakit teeth ko, Daddy..." Kanina pa umuungol si Precia. Ang masiyahin at masiglang bata ay nanghihina dahil sa pagsakit ng tumutubong molar niya. Napainom ko na siya ng gamot at napahiran na din ng ointment ang kaniyang gums kung saan may tumutubo na molar. "Tatawag na ba ako ng doktor?" tanong ni Ardent. Parang maiiyak na dahil sa pag-aalala. "Paiinumin lang din siya ng paracetamol, babe," sagot ko naman. First time ito sa kaniya kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD