Hindi na ako kumain ng breakfast paggising ko. Tinanghali kasi ako ng gising dahil medyo mabigat ang aking ulo. Doon siguro 'to sa beer na ininom ko. Pagkatapos magpahid ng kaunting make up, lumabas na ako ng hotel room. "Good morning, hottie..." Napahawak ako sa aking dibdib. "Natulog ka ba?" inis kong tanong sa lalake. Mukhang kanina pa siya nag-aabang sa akin dito sa labas. "Maaga lang akong gumising. Ang tagal mong lumabas." "Masakit ang ulo ko. Kasalanan mo 'to. Nagdala ka kasi ng beer," paninisi ko sa kaniya. "Next time, wala ng alak," sagot naman niya habang pilyong nakangiti sa akin. Umirap ako. "Diyan ka na nga! May meeting ako ngayon." Iniwan ko na siya, pero talagang sinabayan pa niya ako sa paglalakad. "Huwag mong sabihin na iisa lang tayo ng pupuntahan? Ang c