Wala akong planong gawin siyang kabit pero saan na papunta itong relasyon na mayroon kami? Nakokonsensya ako pero hindi ko naman siya kayang layuan. Hindi kompleto ang araw ko kung hindi ko siya nakikita. Hindi masaya ang araw ko kung hindi ko siya makita sa umaga at makasabay sa pagkain. At sa hapon ay sabay na kakain sa Thai restaurant na paborito niya. Nagkakasala ako sa kaniya dahil sa ginagawa ko. Hindi ko na naisip na nagkakasala ako kay Ally dahil clearly wala akong pakialam sa kaniya at sa papel na nag-uugnay sa aming dalawa. "You're lying to her." Kanina pa ako kinokonsensya nina Kuya at ng fiancee niya. Mabuti na lang pala at hindi nila alam ang tungkol kay Ally dahil tiyak kong masisira lang lalo ang diskarte ko. Ilalaglag nila ako. Nagsisinungaling ako sa kaniya. Hindi ni