Ganoon pa rin ang lugar katulad noong huli ko itong nakita, ngunit hindi maipagkakaila na mas lalong gumaganda. Sa magkabilang gilid ay mayroon ng mga benches na kasalukuyan ngayong walang laman. Iniisip ko pa naman na puno iyon sa pag-aakalang may malaking karera ngayon. Marami pa rin namang tao pero tingin ko ay mga regular sila rito at simpleng karera lamang ang meron. Papalapit ay pansin ko ang kyuryos na tingin ng iilan. Ang iba naman na ngumingiti at tingin ko ay kilala ako ay nginingitian ko pabalik. I'm glad Race is not with me kung hindi ay baka buong atensyon na ng mga taong narito ang nasa akin. Well, he will be here any moment for sure. Kahit sinabi niyang tatapusin niya ang mga dapat tapusin sa opisina, alam kong mamadaliin niya iyon para makasunod dito. Kaya naman kailangan