"What has gotten into you? Hindi ka naman dating ganyan ha? Dati kapag inaya kita go ka lang?" Zac almost giving up. S'yempre ay alam kong alam na n'ya ngayon na kahit anong pagpupumilit n'ya ay hindi pa rin ako sasama. "Anyway, maaga pa naman. You can think about it later." Ilang linggo rin naman kaming hindi nagkita. Pero tingin ko ay hindi naman tamang pumunta kami ngayon ng bar. Especially about what happened the last time. Isa pa, we can celebrate our mini reunion here, so why bothered going out? Sighing, I walked into the kitchen with him tailing behind me. Kinuha ko ang juice mula sa ref at kumuha ng dalawang baso. Parehas ko iyong sinalinan bago ibinigay kay Zac ang isa. Ngumiwi s'ya sa akin pero tinanggap din naman. "I said I want to unwind. I need hard drinks not juice, Kate."