PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ang Tadhana ni Narding Season 2 AiTenshi "Iyan ang gusto ko Narding.. Tapusin na natin ito!" ang naka ngising salita nito at doon ay unti unting namuti ang kanyang buhok at gayon din ang kanyang buntot. Ang kanyang mata ay naging dilaw na animo ahas, ang kanyang mukha ay nagkaroon ng kaliskis at ang kanyang bibig ay nag roon ng dalawang pangil. Ilang saglit pa at natapos na ang kanyang pag papalit ng anyo. Tumingin ito sa akin at nag bitiw ng isang nakaka de