Ang Tadhana ni Narding Season 2 Ai_Tenshi Part 49: Ang Liwanag ng Pag-asa Mabilis akong lumipad patungo sa kinaroroonan nina Serapin at Bart. Pag dating sa kanilang kinalalagyan ay mabilis kong sinagupa si Bart at ginawaran ito ang malakas sa suntok sa mukha dahilan para siya tumilapon palayo. Si Serapin naman at hinakawan ko sa buhok at inihagis sa lupa kung saan naroroon ang kanyang mga tauhang naka bulagta. Muli akong nag tungo sa kinaroonan ni Bart na noon ay nag sisimulang bumangon. Hindi ko na ito binigyan ng pag kakataon pa. Ilang malalakas na suntok ang iginawad ko sa kanyang katawan hanggang sa mabugbog na ito at gumulong gulong sa lupa. Alam kong mahina pa si Bart dahil nag sisimula pa lamang kumalat ang espiritu ng hari ng ahas sa kanyang katawan, hindi pa ito lubu