Ang Tadhana ni Narding Season 2 Ai_Tenshi "Huwag mo na subukang gumalaw Narding. Oo nga pala, naka limutan kong sabihin na ang mga ahas sa aking pakpak ay nag tataglay ng matinding kamandag Paparalisahin nito ang iyon paningin, katawan at kalamnan. Maya maya lang ay mawawalan kana ng lakas para gumalaw pa. Dito na nag tatapos ang kwento mo Narding." ang wika ni Serapin sabay tapak sa aking likuran. Part 51: Huling Alas "Ano ka ngayon Narding?! Kung inaakalang mong matatalo ang kapangyarihan ng aming saling lahi ay nag kakamali ka. Isa kang hangal na kung iniisip mong matatapatan mo ang lakas ko." ang wika ni Serapin habang patuloy na tinatadyakan ang aking katawan. Nang hihina pa rin ang aking katawan at patuloy pa rin sa panlalabo ang aking