Ang Tadhana ni Narding Season 2 Ai_Tenshi Maya maya ay muling bumukas ang telebisyon at mula dito ay lumabas ang imahe ng isang lalaking may tenga ng isda, at kulay asul ang buhok at ganoon din ang kanyang balat. Malabo ang telebisyon at parang hindi maayos ang signal nito, gayon pa man ay mahahalatang mong hindi pa rin tao ang nasa screen nito kundi isang nilalang galing sa kalawakan. Part 24: Bisita Nanatili lamang na naka focus sa monitor ng telebisyon ang mukha ng nilalang na galing sa kawalakan. Seryoso ito at talagang naiiba ang kanyang kulay na animo nakatira sa ilalim ng karagatan. Mukha itong shokoy kung tutuusin bagamat malimit siyang gumalaw ay bakas na bakas pa rin ang kanyang kakaibang anyo. Tahimik ang buong paligid at tila na bigla