Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi Part 20: Prinsipe ng Kamatayan Part 1 "Estong gumising ka! Estong!" ang sigaw ko habang nag pupumilit lumapit sa kanya. Hindi ko lamang ngunit tila may kung anong pwersa ang nag tutulak sa akin palayo sa kanyang kinatatayuan. Gayon pa man ay pinilit ko pa ring lumapit sa kanya ngunit tumitilapon lamang ako palayo. Maya maya ay tuluyan na ngang nag bago ang anyo ni Estong. Ang nilalang sa aking panaginip na isang lalaking may sungay, may pakpak na itim at nababalot ng balahibo ang katawan ay heto ngayon sa aking harapan at nabigyan ng buhay. Patuloy siya sa kanyang ginagawang pag lalabas ng kulay pulang pwersa hanggang sa maya maya ay lumakas ito at sumabog sa buong gusali. Nag karoon ng galamay ang liwanag na pu