HINDI NAGTAGAL ay dumating ang ama ni Tristan sa condo niya. Naiiling na lamang siya dahil mukhang maging ang kapatid ay alam na rin ang pagpropose niya kay Carissa. Dahil natawag ito. "Hello my li'l brother. Hey wait for us before you make it official. I want to be there." Masiglang turan ng kapatid. "Hello.." tugon niya pero sa dami ng sinabi nito ay hello na lang ang nasabi. Tumawa ang kapatid sa kabilang linya. "Peace, excited lang sa lovelife mo. Ikaw ha! Akala ko talaga eh lolo ka na bago ka magkakaroon ng pamamanahan. Iyon pala ay may naka-time deposit ka." Tawa nito. Natawa rin siya sa sinabi ng kapatid. "I never thought na joker ka rin pala ate.." turan dito. "LOL! Nahawaan yata ako ni Lilay." Turan nito. Natawa siya sa sinabi nito. "Oh nasaan kayo? Mukhang dinig ko si papa