PAGLABAS NI CARISSA mula sa kuwarto ay nagtama ang paningin nila ni Tristan. Nakahubad ito at mukhang sumunod naman sa utos niya. Bigla ay na-guilty siya. "Hmmmm...dinner is almost ready.." tila natatakot na turan nito. Gustong matawa ng sandaling iyon. "Okay good.." aniya rito. "Mama..." tawag ng anak sa may parteng sala habang hawak ang mga libro nito. Agad na binaling sa anak ang pansin. Mukhang tinatapos na nito lahat ng homework nito dahil excited na pumunta sa mga lolo at lola nito dahil may dadaluhan sila ni Tristan bukas ng gabi. "Yes anak.." turan dito. "Mama, di ba kapag ililipat sa equation ang positive nagiging negative?" Tanong nito. Napangiti siya rito. "Yes sweetie.." turan niya rito. "Okay thanks mama..I'm done sa math. Mama.." muling turan nito. "Yes anak?" Tano