"MAMA.." mabilis na yakap ng anak ng mapagbuksan sila nito matapos kumatok sa silid nila. Nakita sa loob na naghahanda ang magulang ni Tristan. "How was the wedding?" Tanong ng papa nito na tila inaasar si Tristan. "It was good pa.." tipid na sagot. "No plans?" Balik nito. "Pa...we'll talk later about that." Iwas ni Tristan. Nagiging sarkastiko na naman kasi ang ama. "Mahal, hanapin mo nga ang panty ko. Hindi ko alam saan ko naisuksok." Tawag ng ina. Nagkatinginan sila ni Carissa sabay ng ngiti. Agad na tumalima ang ama. "Anak, magbihis ka na para maayos ni mommy ang buhok mo." Turan rito. "Okay mommy.." ani ng anak na noon ay halatang kaliligo lang dahil sa mahabang biyahe. Dahil nasa loob banyo pa ang mama ni Tristan ay pinasyang sa silid na nila magbihis ang anak. "Mama, pap