MABILIS NA lumipas ang araw at sa wakas ay dumating rin ang graduation ng anak. Kahit papaano sa maikling panahon ay masasabi niyang naging malapit siya rito habang si Carissa naman ay naging abala. Iyon lang naman ang pinakiusap nito sa kaniya ang hayaan muna siyang makasama ang unang lalaking minahal nito. Masasabi niyang ganoon dahil hindi naman talaga sila nagkakilala man lang sa unang gabing nagkita at may nangyari sa kanila. Masakit para sa kaniya pero ayaw niyang maging insensitive sa ganoong pagkakataon at mula sa kuwento ng anak ay naging mabuti itong ama para rito. Nakatitig siya sa salamin. Habang suot ang white long sleeve niya. Dahil sa donasyon ay inimbitahan siya ng prinsipal ng eskuwelahan bilang isa sa kanilang panauhin sa araw na iyon. Mukha kasing maging ito ay kinausa